^

True Confessions

Ganti (71)

- Ronnie M. Halos -

“AKO po ang sumunog sa apartment, Mam Lorena.”

Nakatingin si Encar kay Lorena nang sabihin iyon nang walang gatol at pagsisisi. Si Lorena ay relaks lang na para bang alam na niya at inaasahan na ang pangyayaring iyon. Sa ekspresyon ng mukha ni Lorena ay hinihikayat niya si Encar na sabihin ang lahat nang mga nangyari ng gabing iyon.

“Kasi po’y sobra-sobra na ang hirap at sakit na naranasan ko sa mag-asawa. Ilang ulit akong ginahasa ng amo kong lalaki at ang amo kong babae ay sinasaktan ako. Marami po akong peklat sa katawan dahil sa paghampas ng anumang ba­gay na mahawakan ng amo ko. Tingnan mo ang isang taynga ko Mam. Nagkaroon ng pingas dahil sa matinding sampal na naranasan ko.

“Hanggang ngayon na­raramdaman ko pa rin ang sakit na aking nalasap. Sigu­ro Mam ay hindi ko malilimutan ang nangyaring iyon habang ako ay nabubuhay. Para pong baliw na ang among babae na habang pi­napalo ako ng walis tambo ay nanlilisik pa ang mga mata. Mas nasisiyahan po siya ka­pag may sinasaktan…”

Napatiimbagang lamang si Lorena habang nakikinig sa kuwento ni Encar. Hindi ba’t ganun din ang pinagdaanan niya. Wala silang ipinagkaiba ni Encar. Hindi sila nagkakalayo ng kapalaran.

‘‘Eto po ang matindi, isang araw ay pinagsama ako ng amo kong lalaki sa may Recto Avenue at meron daw kukunin na paninda. Nang makarating kami sa Recto ay may ibinulong ang amo ko. Dadalhin daw niya ako sa nabiling building. Tumanggi naman ako. Pero nagalit ang amo kong manyakis. Pinagbantaan ako na papatayin kapag hindi sumunod sa utos niya…

“Dinala niya ako sa building niya. Yun pala, motel. Kakilala niya ang mga nasa motel kaya walang kahirap-hirap na naipasok sa loob. Hindi ako makagsalita sa takot. Para pong nag-lock ang aking dila at naging sunud-sunuran ako sa hayop.

“Sa loob ng motel ay unti-unti niya akong hinubaran. Nang makita ang kahuba-ran ko e parang asong ulol na sinibasib ako. Walang patumangga. Hanggang sa lurayin na ako. Naangkin ang kabirhenan ko…’’

Napakagat labi si Lo­rena sa kinuwento ni Encar. Talagang iisa ang kanilang kapalaran.

‘‘Maraming beses po akong ginahasa... hanggang sa mabuntis ako. Pakiramdam ko po katapusan na ng mundo ko. Naaalala ko ang aking mga kapatid na nag-aaral sa probinsiya. Paano na sila?’’

Sa tagpong iyon ay mu­ling napaiyak si Encar.

Naisip ni Lorena, tama lang na gumanti si Encar. Ito ang tumapos sa kasamaan ng mag-asawa. (Itutuloy)

AKO

ENCAR

HANGGANG

LORENA

MAM LORENA

NANG

NIYA

RECTO AVENUE

SHY

SI LORENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with