^

True Confessions

Ganti (48)

- Ronnie M. Halos -

“G-GUSTO ko na pong makaalis sa impiyernong bahay na ito, Mam. Hindi ko na po kaya ang ginagawa sa akin ng amo kong la­laki,” pagtatapat ni Pau kay Lorena.

“Anong ginagawa sa’yo?”

“G-ginagahasa po ako!” sabi at hindi na napigilan ang pag-iyak. Nayugyog ang balikat.

Pinayapa ni Lorena. Damang-dama niya ang sakit na nararamdaman ni Pau. Alam niya dahil naranasan na niya. Tama ang kutob niya noon na pinagsasamantalahan si Pau. At alam din niyang takot ito kaya hindi makapagsumbong. Hindi rin ma­gawang makatakas dahil sa takot. Katulad din niya si Pau na mahina at walang laban.

“Aalisin kita sa impiyernong ito, Pau.”

“S-salamat Mam. Ikaw na lang ang pag-asa ko. Kahit po masakit ang katawan ko, pipilitin ko.”

“Anong oras ba natutulog ang amo mong lalaki?”

“K-kung minsan po alas dose. Minsan ala-una.”

“Maghihintay tayo. Basta aalis tayo nga­yong gabi ring ito.”

“K-kung hindi po ako nahuli, sana Malaya na ako. Pero nahuli po ako.”

“H’wag mo nang sisihin ang sarili mo, Pau.”

“K-kasi po Mam ang sama ng pakiramdam ko ng gabing iyon. Naduduwal po ako. Nanlalambot ako.”

Kinutuban si Lorena. Buntis si Pau?

“Sa palagay mo, buntis ka?”

Hindi sumagot. Tahimik na umiyak.

“Palagay ko buntis ka, Pau. Nagbunga ang kahayupan ng amo mo.”

Tuluyan nang umiyak si Pau.

“Dapat ka na talagang makaalis dito, Pau. Hindi ka dapat magtagal dito. Baka malaman ng amo mong babae ang kalagayan mo. Lalo kang magiging kawawa,” sabi ni Lorena at hinilot ang likod ni Pau.

“Iyan nga po ang ikinatatakot ko, Mam. Baka patayin ako ng amo kong babae.”

“Maaaring mangyari iyon, Pau dahil demonyo rin ang amo mong babae.”

“H-higit pa po sa demonyo, Mam.”

Lumipas ang mga oras. Alas-sais na ng gabi. Narinig nina Lorena at Pau ang ingay sa labas. Inaalis ang kandado ng pinto. Mabilis na nagtago sa ilalim ng folding bed si Lorena.

(Itutuloy)

AALISIN

AKO

ALAM

AMO

ANONG

LORENA

PAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with