May hiyas pa sa liblib (124)
NAGANAP ang pagsasanib nina Fred at Ganda. Hindi man sila nakapaglunoy sa sapa ng Bgy. Luningning, higit pa sa paglulunoy roon ang kanilang nadama sa loob ng karaniwang banyo. Naging piping saksi ang banyo sa pagsasanib ng dalawang hubad na katawan. Isinuko ni Ganda ang katawan sa lala-king maraming beses na siyang niligtas sa kapahamakan. Karapat-dapat si Fred na pagkalooban ng kanyang iningatang “hiyas”.
Kung sobra-sobra ang kaligayahan ni Ganda, mas higit si Fred. Hindi malilimutan ni Fred ang nadamang kaligayahan sa pagsasanib nila ni Ganda sapagkat napatunayan niyang nawasak man ang Bgy. Luningning, mayroon pa namang isang “hiyas” na nanatiling buo at walang nakatampalasan. Napatunayan ni Fred. Buung-buo. Sariwang-sariwa. Nakita ni Fred ang palatandaan. Lalo niyang minahal si Ganda.
“Sa kuwarto na tayo Ganda,” yaya ni Fred. “Doon na natin ituloy ang paglulunoy…”
Kinurot siya ni Ganda sa may singit. Napapitlag si Fred. Muntik pang tamaan ang “nagdulot ng ligaya”.
“Gusto mo buhatin pa kita hanggang kuwarto natin?”
“Ay ang korni.”
“Bubuhatin na kita sige ka,” itinuloy nga ni Fred ang sinabi. Sinambilat niya si Ganda na nakatapi lamang ng tuwalya.
“Ay! Ay! Fred baka ako bumagsak!”
Pero kayang-kaya siya ni Fred. Nilabas ng banyo at walang anumang ipinasok sa kuwarto. Marahang ibina-ba sa kama. Bumalik sa pinto si Fred at isinara ang pinto.
Itinuloy nila ang pagmamahalan. Mas mainit ang mga sumunod na eksena. Mas lalong naging mabangis si Fred at si Ganda naman ay nagpatangay na lang sa ginagawa ng asawa. Kung ano ang gusto ni Fred ay wala siyang magagawa kundi magpatianod na lamang. Pero gusto niya ang ginagawa ni Freddie Boy.
Hanggang sa ilatag nilang pareho ang mga katawan. Pagod na pagod. Agad na nakatulog.
Mataas na ang araw nang magising sila. Tumatagos na ang araw sa salaming bintana.
Iyon ang pinakamagandang umaga ni Fred sa buong buhay niya. (Itutuloy)
- Latest
- Trending



















