^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (119)

- Ronnie M. Halos -

Mahiwaga ang mga sinabi ni Ganda at gusto sanang malaman na ni Fred kung ano ang ibig sabihin niyon pero hindi niya napilit. Nasabik tuloy si Fred.

“Gusto ko tayong da­ lawa lang at walang ma­kakarinig, Fred.”

Aprub sa kanya. Pu­wede siyang maghintay hanggang makarating sa Maynila.

Nang nasa Maynila na, nasagot ang mga ka­tanungan ni Fred. At gustong magtatalon sa tuwa ni Fred. Kahit na nawasak na ang liblib ng Bgy. Luningning meron pa ring naiwang hindi wasak. Nasa kuwarto sila ni Ganda. Sila lang dalawa.

“Iningatan ko ang kabir­henan ko, Fred. Siguro ta­lagang para sa’yo ito. Na­niniwala ako na mahalaga ang pagiging birhen. Ipag­kakaloob ko lang sa’yo ito kapag kasal na tayo. Anong masasabi mo Fred?”

“Gusto kitang halikan, Ganda. Puwede kahit sa pisngi lang?”

Pero si Ganda na ang gumawa niyon. Ito na ang kusang humalik sa labi ni Fred. Mariin. Matagal. Ma­sarap.

Kapwa sila naghabol ng hininga. Ano itong gina­gawa ni Ganda na lalong nagiging mahiwaga sa kanya.

“Hanggang diyan lang muna tayo, Fred. Iyan ay para lang malaman mo na handa akong magpakasal sa’yo. At pagnakasal na tayo saka mo lang maku­kuha ang kabirhenan ko…”

Humanga si Fred kay Ganda. Kakaibang babae. Ito ang babaing hinahanap niya.

Hanggang sa maalala niya si Precy, ang babaing nagtaksil sa kanya. Paano nga pala sila makakasal ni Ganda gayung kasal sila ni Precy? Ikinasal sila ng isang huwes. May bisa ang kasal na iyon.

Paano niya sasabihin kay Ganda ang problemang iyon? Ni hindi pa nga alam ni Ganda ang tungkol kay Precy.

Napansin ni Mulong ang pag-iisip ni Fred.

“May problema ka Kuya? Ikinuwento niya.

“Umaasa si Ganda na magpapakasal na kami sa susunod na buwan — sa birthday niya. Hindi ko alam ang gagawin. Ma­bibigo siya kapag na­laman na kasal pa ako sa babaing nagtaksil sa akin.”

“Mas maganda siguro, Kuya Fred e ipagtapat mo na sa kanya. Kaysa naman ililihim mo. Kung talagang mahal ka niya, mauunawaan ka.”

“May katwiran si Mu­long.”

Handa nang ipagtapat ni Fred ang lahat kay Ganda. Pero isang araw, may lalaking dumating at hinahanap si Fred. Ang lalaki ay si Ricky.

(Itutuloy)

vuukle comment

FRED

GANDA

HANGGANG

KUYA FRED

LANG

MAYNILA

PRECY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with