^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (113)

- Ronnie M. Halos -

“HINDI makapagsalita si Kuya Fred mo kasi hindi niya akalain na ako na mismo ang magsasabi na gusto ko siya. Masyado kong pinahirapan ang kuya mo Imelda…”

“Nabigla si Kuya Fred kung ganoon.”

“Hindi nga niya inaa­sahan na ganito ang mangyayari.”

“E di malamang matuloy na ang kasalan n’yo.”

Si Fred na ang sumagot. Nakabawi na sa ma-laking pagkabigla.

“Tuloy na Imelda. Tuloy na tuloy na.”

“Ay nagsalita rin. Akala ko nalunok na ang dila,” sabi ni Ganda.

“Kasi’y hindi ko inasahan na magsasalita ka ukol sa atin.”

“Noon pang nakaligtas ako sa sunog, nasabi ko sa sarili ko, hindi na kita pahihirapan pa. Tama na ang pagsasakripisyo mo sa akin. Kaya nang nakarekober na ako, ikaw na nga ang hinanap ko.”

Sumabad si Imelda.

“Aba e di magprepara na kayo. Kailangan mai-daos na ang kasal n’yo. Ilabas mo na ang kayamanan mo Kuya. Siguro naman walang problema kay Kim.”

“Gusto kong makita si Kim, Fred,” sabi ni Ganda.

“Mamaya pupunta yun dito. Nasa school pa. Ma-bait ang anak ko. Ipagsama mo nga rito, Melda.”

“Oo. Mabuti pa’y punta-han ko na at baka lumabas na sa klase niya.”

Umalis na si Imelda makaraang magpaalam kay Ganda.

Nagkasarilinan sina Gan­da at Fred.

“Fred, gusto ko sana bago tayo makasal, umuwi tayo sa Luningning. Nasasabik na ako sa lugar na nilakihan ko. Puwede, Fred?”

“Oo naman. Lahat nang gustuhin mo. Maaari na-man nating iwan si Mulong sa aroskalduhan natin. Sige umuwi tayo, kailan mo gusto?”

“Gusto ko sa Sabado na. Mabuti at maganda pa ang panahon. Kalmado ang dagat.”

“Dapat pala masabi ko kay Raul na darating tayo. Para maghanda sa pagda-ting natin doon.”

“Sino si Raul, Fred?”

“Pinsan ko. Siya ang pinamamahala ko sa aking bukid sa Luningning.”

“Ano na kayang itsura ng Luningning, Fred?”

“Malaki na siguro ang pagbabago. Baka mataas na ang mga damo.”

“Yung kayang sapa na pinaliliguan ko, malinis pa rin ang tubig?”

“Siguro. Maligo tayo Ganda. Yung walang saplot.”

Umismid si Ganda kay Fred.

“Pilyo ka, Fred. Nasilipan mo na ako noon.”

“Hindi naman gaano, Ganda. Kapiranggot lang…”

Kinurot siya ni Ganda sa braso.

(Itutuloy)

vuukle comment

FRED

GANDA

IMELDA

KUYA FRED

LUNINGNING

OO

RAUL

SI FRED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with