^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (92)

- Ronnie M. Halos -

“GANDA! Ganda!”

Tawag ni Fred habang nakabuntot kay Ganda. Nasa unahan nito ang kasamang babae. Ito rin ang babaing kasama ni Ganda noon. Mukhang masungit.

Lumingon si Ganda sa tawag ni Fred.

“Ganda, paano tayo magkakausap…”

Pero lumaki ang distan­siya ni Ganda kaya hindi makasagot si Ganda. Nag­patuloy si Fred sa pagbuntot kina Ganda. Ka­ilangan may makuha siyang impormas­yon kay Ganda. Siguro kaya hindi makalayo si Gan­da sa kasamang babae ay baka natatakot.

Nang makarating sa beef section sina Ganda ay tumigil doon. Pumili ng karne ang kasamang babae ni Ganda. Hawak ni Ganda ang isang listahan. Iyon siguro ang listahan ng mga bibilhin.

“Ganda! Ganda!”

Lumingon si Ganda. At nakita ni Fred na isinesen­yas nito ang papel na hawak. Ibig sabihin ni Ganda na may nakasulat sa papel.

Nakuha ni Fred ang ibig sabihin ni Ganda. Nasa papel ang impormasyon kung paano sila magkakausap.

Palihim na iniabot sa kanya ni Ganda ang papel. Iglap lang ang abutan. Eksaktong naiabot sa kanya ang sulat ay natapos na sa pagpili ng karne ang kasamang babae.

Pagkaraang abutin ang papel ay lumayo na si Fred. Iyon lang ang kailangan niya. Nang makalayo ay pumuwesto sa isang bahagi ng palengke si Fred at binuklat ang papel na nakatiklop.

Numero ng cell phone ang nakita niya. Number ni Ganda. Walang ibang nakasulat. Siguro’y madalian lang ang pagkakasulat. Baka kanina lang naisulat.

Humanga si Fred sa ginawa ni Ganda. At iisa ang ibig sabihin ng pagbibigay ng number: Gusto ni Ganda na magkaroon sila ng komunukasyon. Hindi na galit sa kanya si Ganda. At ang pakiramdam niya, may problema si Ganda at naghahanap ito ng tutulong. Nakita niyang walang sigla ang mga mata ni Ganda. Hindi katulad noong nasa Bgy. Luningning sila na pa­natag ang kalooban.

Kailangang makausap niya si Ganda para malaman ang nangyayari rito. Itinago niya sa pitaka ang papel na may number.

Nagbalik si Fred sa ki­naroroonan ni Mulong.

“O mukhang masigla ka na Kuya.”

“Nakita ko na kasi ang hinahanap ko, Muls.”

“Ano yun Kuya?”

“Hiyas, Muls. Magandang Hiyas.”

Nagtatakang naka­tingin si Mulong kay Fred.

(Itutuloy)

FRED

GANDA

IYON

KUYA

LUMINGON

MAGANDANG HIYAS

MULONG

MULS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with