^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (91)

- Ronnie M. Halos -

NAPUNA ni Mulong ang katamlayan ni Fred ng araw na iyon.

“May sakit ka Kuya? Magpahinga ka na lang at kaya ko namang asi­kasuhin ang mga kus­tomer natin.”

“Medyo masama nga ang katawan ko pero kaya ko naman,” sagot ni Fred. Hindi sinabi ni Fred ang totoo kay Mulong.

“Kasi’y parang wala kang sigla Kuya.”

“Okey lang ako.”

“Bukas ng umaga, Kuya maaga ba tayo sa Paco?”

“Oo.”

“Kasi’y baka masyado tayong maaga. Napupuyat ka. Puwede naman na ako na lang ang mamalengke.”

“Kaya ko, Mulong. Bukas, aagahan uli natin. Mas masarap ngang ma­ma­lengke kapag maaga.”

Pati si Melda nang du­malaw ng gabing iyon ay napansin na matamlay ang kapatid na si Fred.

“Kaunti bang benta, Kuya?”

“Hindi. Malakas ngang benta namin ni Mulong.”

“O e ba’t parang nalugi ka?”

“Pagod lang ako.”

“Magpahinga ka muna. Hayaan mo muna si Mulong sa aroskalduhan at batsoyan mo.”

“Kaya ko. Mahirap iwa­nan ang tindahan. Dami ng kustomer. Nagugustuhan na nila yung bago kong lumpia na may sawsawang masarap na suka.”

“Talaga ha. Sige baka talunin mo na ang Chow…. n’yan, he-he-he!”

Nagtawa lamang si Fred.

Kinabukasan sa pa­lengke ng Paco, pagka­tapos mabili ang mga kailangan, iniwan muli ni Fred si Mulong sa isang lugar at inabangan na si Ganda. Malakas ang kutob niya, darating ito.

Makalipas ang kala­hating oras na paghi­hintay, napangiti si Fred sapagkat nakita niya si Ganda. Hindi na siya papayag na walang mangyari ngayon. Ka­ilangang makakuha siya ng impormasyon kay Ganda.

Nakita naman agad siya ni Ganda. Bumuntot na siya.

(Itutuloy)

BUKAS

FRED

KASI

KAYA

KUYA

MAGPAHINGA

MULONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with