^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib(87)

- Ronnie M. Halos -

HINDI babae ang na­kuhang helper kundi isang lalaki si Mulong. Mga 20-taong gulang si Mulong at ulila na sa ama. Ang ina raw niya ay labandera. Tapos daw siya ng high school. Gusto raw niyang mag­pa­tuloy ng pag-aaral kapag nagkaroon ng pera sa hinaharap. Gusto raw niyang makatapos para mabigyan ng ma­gan­dang buhay ang ina.

“Kahit na ano ang ipagawa mo sa akin, Kuya Fred. Kahit na magkano rin ang ipa­suweldo mo. Basta’t kakain kaming mag-ina.”

“Pasusuwelduhin kita kung ano ang minimum, Mulong.”

“Salamat Kuya. Maka­ka­asa ka na hindi mo ako magiging problema.”

“Basta ang gusto ko lang naman ay mayroong tagahugas at tagagayat ng kung anumang sahog sa aroskaldo. Gusto ko rin na may katulong sa pama­malengke. Bumabangon ako nang maaga para ma­malengke.”

“Sanay na sanay ako diyan, Kuya. Kasi hindi mo naitatanong ay naging helper din ako sa canteen ng school naming nung ako ay nag-aaral sa high school. Namamalengke kami. Ako ang taga-buhat at saka taga-hiwa ng karne.”

“Okey na okey pala ang pagkakapasok mo sa akin.”

“Ako na rin ang magli­linis ng bahay mo, Kuya.”

“Sige. Basta ngayon ay dalawa na tayong magpa­pa­takbo nitong munti kong negosyo.”

“Palagay ko uunlad itong negosyo mo, Kuya.”

“Harinawa, Mulong.”

Nagkatotoo ang sinabi ni Mulong sapagkat maka­raan ang isang buwan, napuno na ng mga mesa at upuan ang garahe ni Fred. Maraming kumakain. At hindi lamang aroskaldo ang sini-serve niya sa mga kumakain kundi pati bat­soy. Nag-imbento siya ng isang klase ng batsoy na kakaiba sa mga tini­tinda. Malinam­nam ang sabaw at ang pansit niyang ginamit ay yung gawa sa Mindoro. Pansit na pino.

“Balitang-balita ang batsoy mo Kuya. Masarap daw. Kakaiba raw.” sabi ni Mulong.

“Akala ko hindi magu­gustuhan, Mulong.”

“Ang kulang na lang ay masarap na puto, Kuya. Kapag siguro mayroon tayong masarap na puto, talagang dadagsa ang tao rito. Yung tinda na­ting puto ay hindi ma­sarap Kuya. Makitkit. Ha­latang hindi bigas ang ginamit.”

Naalala na naman ni Fred si Ganda nang ma­banggit ang puto. Na­saan na kaya ang ba­baing iyon?

Hindi inaasahan ni Fred na malapit na pa­lang magkrus ang lan­das nila ni Ganda. Akala niya, nananaginip lang siya. Totoo pala.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

KAHIT

KUYA

KUYA FRED

MULONG

SALAMAT KUYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with