^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (63)

- Ronnie M. Halos -

UNANG pagkakataon ni Fred na gumawa ng “bitag”. Nagsalin siya ng bigas sa isang sako. Ti­ nan­tiya na ang timbang ay mga limang kilo. Tina­lian nang mahigpit ang sako. Inilagay sa itaas ng pin­tuan at tinalian nang ba­hagyang-bahagya at ma­daling mapatid. Ang ka­rugtong na tali ng sako ay itinali naman niya sa gilid ng pintuan. Sunod niyang tinalian ang hawa­kan ng pintuan. Iniawang nang bahagya. Kapag hinila ang pintuan, tiyak na ba­bagsak ang bigas dahil mapapatid ang marupok na tali.

Pagkaraan ay ini­ handa na ni Fred ang ka­magong na pamalo at saka itak. Pumu­westo siya sa da­kong kanan ng pinto. Hawak niya ang dulo ng lubid na nakatali sa pinto.

Nakiramdam si Fred. Tahimik na tahimik sa labas. Maaaring naghihintay ng pagkakataon ang dalawang manyakis. Hihintaying luma­lim pa ang gabi. Walang ka­kilus-kilos si Fred habang nakatayo sa likod ng pinto. Nakahanda sa pagbatak ng pinto kapag papasok na ang dalawang lalaki. Hawak naman ng kaliwang kamay niya ang kamagong. Nga­yon niya magagamit ang na­pag-aralang arnis sa Ri­yadh. Titiyakin niyang mapi­pilay ang dalawa at hindi ma­ka­katakas. Hindi niya pa­pata­yin ang dalawa. Tu­turuan lang niya ng leksiyon ang mga ito.

Wala rin namang nari­rinig si Fred sa loob ng kubo kung saan naroon sina Lola Angela at Ganda. Siguro naman ay sinunod ang utos niya na latagan ng banig ang sahig para hindi sila masilip sa silong.

Ano naman kayang na­iisip ni Ganda ngayong nag­babanta ang panganib. Ma­ tigas pa kaya ang loob ng supladang babae?

Kinagat ng lamok si Fred. Hindi niya matampal. Mari­rinig iyon. Tiniis niya ang pag­­tusok ng lamok sa kan­yang braso. Sinubukan niyang itaboy sa pama­ma­gitan ng paghihip. Naita­boy naman. Pero sa ibang ba­hagi naman kumagat. Mas matindi ang sakit ng kagat.

Wala pa ring naririnig na kaluskos o kaya’y natata­pa­kang bagay sa labas. Hindi kaya nagbago ang plano ng dalawang manya­kis? Na­amoy kaya na may­roong lalaking kasama ang mag-lola?

Nakaramdam ng antok si Fred. Pero kailangang laba­nan niya ang antok at baka sumalakay ang da­lawa. Mahirap nang malu­sutan at baka pati siya ay mapa­hamak. Tiyak na may mga dalang pang­taga at panaksak ang dalawa. Pinaghandaan ang gagawin kay Ganda.

Mayamaya pa, naram­daman ni Fred ang pag-uga ng kubo. Palatandaan na may umaakyat sa hag­dan. Hanggang sa ma­ram­daman niyang may unti-unting nagtutulak sa pintuang kawayan.

Sige pa! Tulak pa! Sige pa!  

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

FRED

HANGGANG

HAWAK

LOLA ANGELA

NIYA

PERO

SHY

SIGE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with