^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (49)

- Ronnie M. Halos -

ISANG tanghali na ga-ling sa pamimitas ng lansones, nakita ni Fred ang dalawang lalaki na nag-uusap habang naglala­kad. Nagkubli siya para hindi makita ng dalawang lalaki. Noon lamang niya nakita ang dalawang la-laki. Ang dalawang lalaki ay galing sa direksiyon ng sapa.

Dinig na dinig ni Fred ang pag-uusap ng dalawang lalaki na siguro ay mga 30-taon ang edad. Nagpapahinga ang dala­wa sa puno ng lukban. Walang kamalay-malay ang dalawa na nakakubli si Fred sa malapit lang sa kanila.

“Bakit kaya hindi nali-go ‘yung sinasabi mong babae, Pare?”

“Hindi ko nga alam.”

“Niloloko mo yata ako, Pare.”

“Hindi kita niloloko, Pare. Dalawang beses ko nang nasilipan yung magandang babae.”

“E bakit wala?”

“Hindi ko alam. Basta ang alam ko tuwing Martes at alas onse ng tanghali e naliligo yun.”

“Sayang. Maganda ba talaga Pare?”

“Ay naku. Ngayon lang ako nakatiyempo ng babae na naka-panty lang habang naliligo sa sapa. Wala siyang bra. Alam mo ba na talagang hindi agad ako umalis nang masilipan ang babaing iyon. Kasi’y para bang ako ay natulala. Yung ubod ng gandang babaing yun ay hindi natakot na maligo sa sapa.”

“Baka naman may kasama kaya ganun na lang siya katapang maghubad.”

“Walang kasama Pare. Sigurado ako.”

“Paano ka naman nagawi sa sapa na iyon?”

“Nanghuhuli ako ng paitan at tilapia. Maraming isda. Aba nagulat ako nang may marinig sa bahaging itaas ng sapa. Nang tingnan ko, babaing naliligo pala.”

“Anong ginagawa?”

“Nagsasabon ng katawan. Napakakinis talaga.”

“Hindi kaya engkantada yun, Pare?”

“Pare naman meron bang engkantada? Wala namang ganoon. Kuwento-kuwento lang yun ng mga matatanda.”

“Sa palagay mo, dalaga pa?”

“Oo Pare kasi, nakatayo pa ang mga suso. Kulay rosas nga.”

“Tagasaan kaya ang babaing yun?”

“Hindi ko alam, Pare.”

“Sabi mo dalawang be- ses mo nang nasilipan, anong nakita mo sa sumunod.”

“Ganundin. Pero mas mabilis ang paliligo niya. Kaunting sabon lang at agad na umahon. Nagbalot agad ng tuwalya. Nagmamadali sa pag-alis.”

“Sa Martes kaya maliligo yun?” “E di puntahan uli natin.”

“Malayu-layo rin ang lalakarin natin, Pare.”

“Dyakpat naman tayo.”

Hindi kumikilos si Fred sa kinakukublihan. Si Ganda ang pinag-uusapan nila. Delikado ito. May naisip siyang paraan.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DALAWANG

OO PARE

PARE

SA MARTES

SI GANDA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with