^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (78)

- Ronnie M. Halos -

NANG gabing iyon ay hiniling ni Jesusa sa akin na sa bahay niya kami matulog. Biniro ko, dito ba namin gagawin ang second honey­moon. Tinampal ako sa pisngi.

“Pilyo ka Per.”

“Kasi’y yung una nating honeymoon sa Nagcarlan e medyo bitin.”

“Bitin ka pa nun.”

“Oo. Meron pa kasing humahabol sa atin kaya worry pa tayo, Ngayon, tiyak na wala na.”

“Sige maghoneymoon kung magha-honeymoon pero buksan muna natin ang lahat ng ilaw. Gusto ko, maliwanag na maliwanag,”

“Sige.”

Nang buksan namin ang mga ilaw ay napuno ng liwanag ang buong bahay. Maaliwalas na maaliwalas.

“Ang akala ko, magiging madilim na sa habampanahon ang bahay na ito. Akala ko rin tatakbo ako nang tatakbo para umiwas kay Rebo. At least yung problema ko sa mga kapatid ko hindi gaano dahil madali   lang masolusyunan…”

“Lahat naman e may ka­ta­pusan. Maski ang mga pasa­kit ay may wakas…” sabi ko.

“At mayroong taong malinis ang pagkatao na tutulong kapag nasa kagipitan, kagaya mo, Per. Kakaiba ka sa mga lalaki. Bakit ba hindi mo naging katulad ang aking ama.”

“O tama na. Huwag nang alalahanin ang nakaraan at hindi naman makatutulong.”

“Hindi ko kasi maiwasang maikumpara ka. Talaga namang kakaiba ka sa lahat, Per.”

Naks naman. Maraming beses mo na akong pinuri, Jesusa. Gusto ko tuloy na yayain ka na sa kuwarto para masimulan na ang…”

Kinurot ako ni Jesusa sa braso.

“Maliligo muna ako, Per. Pinawisan ako sa paglilinis ng bahay.”

“Aba e di magsabay na tayong maligo. Pinawisan din ako nang marami.”

Napahalakhak si Jesu­sa. Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ang paghalakhak ni Jesusa. Ma­taginting. Punumpuno ng buhay.

Nagtungo kami sa banyo at sabay na naghubad. Wala nang pagkapahiya. Nasanay na kami sa bawat isa. Mayroon nang tiwala sa isa’t isa.

Binuksan ko ang shower at bumagsak sa aming hubad na katawan ang pinong tubig. Masarap sa katawan ang maligamdam na tubig, Nagyakap kami. Nagtagpo ang aming mga labi. Walang kasing init ang aming nadama. Kapwa na kami alipin nang sobrang pagmamahal sa bawat isa.

(Itutuloy)

AKO

BAKIT

BINIRO

BINUKSAN

JESUSA

NANG

PINAWISAN

SIGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with