^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (77)

- Ronnie M. Halos -

NANG maialis si Rebo ng ambulansiya, unti-unti nang lumuwag ang trapik. Nawala na ang ingay ng mga patrol car at ambulansiya. Hanggang sa kakaunti na lamang kami sa kinapaparadahan.

“Tayo na?” yaya ko kay Jesusa.

“Oo.”

“Wala nang manggugulo sa’yo.”

“Puwede na akong tumira sa aking bahay at maasikaso ang mga tanim ko.”

“Paano naman ako?”

“Siyempre, magkasama tayo. Pagsisilbihan kita. Ikaw ang tagapagligtas ko.”

Pinisil ko ang palad ni Jesusa.

Pinaandar ko na ang kot­se. Ang iba pang sasakyan na naroon ay nagsipaghanda na rin sa pag-alis.

Umalis na kami. Maluwag na maluwag na ang zig­zag road na parang walang anumang nangyari. Siguro’y nasa ospital na si Rebo.

“Sa palagay mo, patay na, Per? “Oo. Sa pagkaka­tingin ko, hindi na humihi­nga. Himala na lamang ang mabubuhay sa bangin na kinahulugan niya.”

“Talagang sinundan tayo ano Per?”

“Kung hindi siya nahulog baka naabot tayo sa Nagcarlan. Baka doon kami nagka-kompronta.”

“Baka napahamak ka pa kung hindi siya naaksidente, Per. Mas lalo akong masasaktan kung ikaw ang mapapahamak. Ayaw ko nang masaktan.”

“Kaya nga siguro nangyari kay Rebo ang aksidenteng yun ay para wala nang masaktan pa.”

Hapon na kami nang makarating sa bahay.

Sabik na sabik si Jesusa nang pumasok sa kanyang bahay. Matagal-tagal din niyang hindi napuntahan ang bahay dahil sa sunud-sunod na problema. Maalikabok sa loob.

Nang maalala niya ang mga tanim sa gilid ng bahay. Ang mga tanim na iyon ang inaasikaso niya noon nang maaktuhan ko habang ako ay nasa itaas ng punong mangga.

“Namatay na ang mga tanim ko, Per. Mataas na kasi ang damo.”

“Tutulungan kitang pagandahin muli ang bakuran mo. Magtatanim muli tayo, Jesusa.”

“Bukas, magtanim na tayo, Per.”

“Oo.”

Biniro ko si Jesusa.

“Mamayang gabi gusto kong magtanim muli, Jesusa. Para magkaroon na ng bunga. Ano sa palagay mo?”

Ngumiti lang si Jesusa. Sa tingin ko, lalo siyang gumanda. (Itutuloy)

ANO

AYAW

BINIRO

BUKAS

JESUSA

NANG

OO

REBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with