Hiyasmin (197)
“SAKA na lang natin iplano ang pakikipagkita sa mama mo, Hiyasmin,’’ sabi ni Dax.
“Tiyak na binabantayan ang mama mo ng asawa niya. Huwag kang magti-text o tatawag kaya. Palamigin muna natin.”
“Oo Dax. Baka sa pagpipilit natin na makita at makausap si Mama ay may mangyari sa kanya.’’
“Hayaan natin na ang mama mo ang magtakda ng araw. Siya kasi ang nakaaalam kung paano iiwas sa panganib.’’
“Tama ka Dax.’’
“Tayo ay mag-aabang lang. Sa kanya manggagaling ang order kung kailan tayo magkikita.’’
“Oo Dax.’’
“Kaya ang payo ko sa’yo, huwag magpaka-stress. Ngayon ka pa ba magpapaka-stress e nakalusot ka na nga sa mahihirap na kabanata ng buhay. Dapat mag-relax ka. Gusto mo manood tayo ng sine?’’
“Baka lalo akong ma-stress kapag nasa sinehan na tayo?”
“Bakit?”
“Baka sumpungin ka ng pagiging pilyo!’’
Nagtawa lang si Dax.
MAKALIPAS ang isang buwan, may nangyari.
Nasa opisina si Dax nang tawagan ni Hiyasmin.
“May nangyari Dax!”
“Ano?’”
“Nangyari ang sinabi ko!”
“Ano nga?”
Itutuloy
- Latest