^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (64)

- Ronnie M. Halos -

IKAAPAT na araw ay inilibing ang ina ni Jesusa. Matapos misahan ay pinrisyon sa pampublikong sementeryo na may kalahating oras lakarin. Kaa-gapay ko si Jesusa habang naglalakad. Nasa unahan ang karo. Marahan lang ang usad. Makulimlim ang panahon pero malayo pang bumagsak ang ulan.

Alam ko, habang nagla-lakad ay maraming nakatingin sa amin ni Jesusa. Alam ko ang nasa isip ng mga nakatingin, siguro’y iniisip nila kung ako ang nobyo ni Jesusa. O baka iniisip nilang baka ako ang asawa ni Jesusa.

Sinapit ang sementeryo. Nahirapang pumasok ang karo sapagkat halos okupahin na    ng mga nitso ang daan. Inilagak muna ang kabaong sa isang kapilya at doon ay binigyan ng pagkakataon sina Jesusa at mga kapatid na makita at makapagpaalam sa huling sandali sa ina.

Muling umagos ang luha ni Jesusa. Sumubsob sa kabaong. Matagal na nakasubsob. Narinig kong sabi ng isang matandang babaing nakipag­libing, “masamang mabasa ng luha ang kabaong.” Na ina­yunan naman ng isa pang matanda, “oo nga, huwag ha-yaang mabasa ng luha ang kabaong.” Pero tila wala nang naririnig si Jesusa sapagkat patuloy ito sa pag-iyak. Tila ayaw nang umalis sa pagkakasubsob.

Lumapit kay Jesusa ang isang kapatid at binulungan. Saka lamang umangat ang ulo ni Jesusa. Natigmak nang luha ang salamin ng kabaong.

Isinara na ang salamin. Hudyat iyon para buhatin na at ilagak sa isang bagong gawang nitso na nasa di-kalayuan sa kapilya ang nitso.

Ipinasok na ang kabaong. Inihagis sa loob ng nitso ang mga bulaklak at iba pang alaala. Pagkaraan niyon, nilagyan na ng hollow block ang nitso. Tinapalan ng hinalong semento. Natakpan ang butas.

Nang maganap na matakpan ay unti-unti nang nag-a­li­­san ang mga tao. Kami ni Jesusa ay naiwan. Nakiusap siya sa akin. Kahit daw ilang minuto lang.

“Kahit matagal, Jesusa. Kaya kong maghintay para sa’yo.”

“Salamat, Per.”

Hinayaan ko siya. Nakatu-ngo ang ulo at tila sumasambit ng panalangin para sa ina. Matagal sa ganoong ayos.

Nang lumalatag na ang di­lim at malamig na ang si­moy ng hangin ay niyaya na niya ako.

Wala kaming imikan habang naglalakad palabas ng sementeryo. Pakiramdam ko, hindi pa rin nabawasan ang pasanin niya sa balikat.

“Per…” sabi niya at umakbay sa akin. Para bang sisiw na nagpapakupkop sa akin.

(Itutuloy)

ALAM

HINAYAAN

HUDYAT

INIHAGIS

INILAGAK

JESUSA

KAHIT

MATAGAL

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with