^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (17)

- Ronnie M. Halos -

KUNG sana ay matagal na kaming magkakilala ng kapitbahay kong si Jesusa, bagay na bagay siyang modelo ng Men’s magazine. Yung beauty niya ay atraktibo. Malayung-malayo siya kay exotic Mira na sa tingin ko e nanlilimahid. Tiyak ko, tatalunin ni Jesusa si Mira lalo sa aktong naliligo gamit ay hose. Malinaw na malinaw pa sa isip ko ang pagpulandit ng tubig sa hose at tumatama sa katawan ni Mira. Tapos ipinasok niya ang kamay sa loob ng damit at sinabon ang “kambal na bundok”. Tapos ay dinukot ang singit at ang ano… ha-ha-ha!

“Ano, Per at natahimik ka?” tanong ni Mr. Diegs.

“Me naisip lang. Tungkol sa magiging itsura ng cover.”

“Siyanga pala, yung sunod nating cover ganun uli ang style. Magkahalo ang photo at illustrations. Sa makalawa makikita natin ang unang ekspiremento sa cover. Pinara-rush ko ang printing ng cover para makita ang pagkakaiba. Next month labas na ang magasin. Sigurado, sold out ang MATIKAS Magasin. Kauna-unahang Tagalog Men’s magasin.”

“Kailan ba yung sunod na pictorial, Mr. Diegs?”

“Baka next week na.”

“Out of town na naman?”

“Oo. Kailangan yun para maganda ang photo. Si Frankie ang maraming alam na lugar. Baki me problema ba, Per?”

“Kasi’y laging walang tao sa bahay ko, Mr. Diegs. Natatakot akong baka ma-akyat bahay. Marami pa naman akong gamit. Baka puwedeng dito na lang sa Metro Manila gawin ang pictorial.”

“Bahala si Frankie. Kung may magandang location dito, sige para madali kang ma-kakauwi sa inyo. Kung bakit kasi, ayaw mo pang igarahe ‘yang itit mo para me taong bahay ka na…”

Ang bastos ni Mr. Diegs! Pero nagtawa lang ako.

“Mag-asawa ka na nga Per para hindi ka problemado sa bahay mo.”

“Wala pang maasawa, Mr. Diegs.”

“Ang dami diyan ah. Mukhang mahina ka kasing poporma. Gayahin mo si Frankie, sabi sa akin nadale na niya si Mira --- yung model. Kakalbu-kalbo si Frankie pero matinik. Hindi tinantanan dahi type na type niya ang beauty. Ayun nayari niya…”

Pero hindi ako nainggit. Siguro dahil hindi ko kursunada ang ganoong beauty. Mas maganda pa rin si Jesusa misteryosa.

“Kayo na lang ni Frankie ang mag-usap, Per sa lugar ng pictorial. Kahit saan n’yo gusto okey lang. Basta ang mahalaga, maganda ang shots at ang illustration.”

“Sige Mr. Diegs.”

“Me bonus kayo ni Frankie kapag pumatok itong MATIKAS Men’s magazine. Okey? Bakasyon sa Hong Kong type mo?”

“Bahala na Bossing Diegs.”

Lumabas na ako ng malamig na opisina ni Mr. Diegs. Maganda ang mood ni Bossing.

Kahit saang lugar daw dito sa Metro Manila ang pictorial, okey kay Mr. Diegs. Mabuti naman para hindi na ako lalayo. Ayaw ko talagang mag-out of town.

Kung dito lang sa Metro, hindi ko na makakaligtaan ang magandang panoorin sa aking kapitbahay. Hindi na makakatakas si Jesusa.

Kinabukasan ng umaga, umakyat ako ng mangga. Inagahan ko para hindi matakasan ni Jesusa. (Itutuloy)

BAHALA

DIEGS

FRANKIE

JESUSA

METRO MANILA

MIRA

MR. DIEGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with