Ang kapitbahay kong si Jesusa (10)
ITO ba ang model na iguguhit ko? Dismayado ako. Hindi ganito ang inaasahan ko. Tama si Frankie, mahilig sa exotic beauty si Mr. Diegs. Kung ako ang pakukunin ng model para sa cover ng Men’s magazine naming, kukunin ko ang kapitbahay kong babae. Walang sinabi ang model na nasa harapan ko sa beauty ng kapitbahay ko. Kaya naman pala, tinatamad akong sumama, eto lang pala ang makikita ko.
“Hi,” sabi ko sa model.
“Sige kakain lang kami,” sabi ni Frankie at lumabas na kami.
Nang nasa kabilang bahay na kami na tutuluyan pala namin ni Frankie ay naibulalas ko ang pagkadismaya.
“Hindi maganda ang model, Frankie. Akala ko masusulit ang pagpunta ko rito.”
“Di ba sabi ko exotic beauty ang gusto ni Diegs. Para sa kanya ang mga nakakalibog ngayon ay ang mga beauty na medyo nanlilimahid ba?”
Nagtawa ako sa sinabing term ni Frankie.
“Pero tingnan mo naman ang katawan nung model, nakaka-el.”
“Na-e-el ka rin?”
“Puwede na.”
“Ako hindi. Mas gusto ko ang makinis.”
“Pag-aralan mo na kung paano iguguhit si Mira.”
“Mira ba ang pangalan nun?”
“Oo. Yan yata ‘yung nadiskubre sa isang probinsiya, narinig ko kay Diegs. Nagmomodel na yata sa isang jeans company.”
“Probinsiyana nga ang dating, Frankie.”
“Teka kumain muna tayo at kanina pa humahapdi ang tiyan ko.”
“Mag-order ka na Frankie. Nagutom akong bigla nang makita ang model na yun.”
Nagtawa si Frankie. Nang may magdaang crew ng resort ay tinawag at nag-order ng pagkain.
“Inihaw na tilapia, inihaw na talong, nilagang baka, kanin…” order ni Frankie. “Ikaw Per, baka me gusto ka pang iba.”
“Order ka ng sisig, Frankie.”
“Beer gusto mo?”
“Sige. Baka pagnala-sing ako e maging maganda ang tingin ko kay Mira at maiguhit ko nang maayus-ayos.”
Nagtawa si Frankie. Sinabi sa crew ang pahabol na order.
Hindi kami nainip sa pagkain. Binawi ko na lang sa pagkain ang pagkadismaya. Talagang hindi ko gustong mag-out of town. Lalo pa’t naiisip ko yung magandang tanawin sa aking kapitbahay.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending