^

True Confessions

Ang kapitbahay kung si Jesusa (6)

- Ronnie M. Halos -

MANILA, Philippines - MALAKAS ang tunog ng aking cell phone kaya dinig na dinig ko kahit na nasa itaas ng mangga. Sadya kong inilalakas ang tunog para walang makalampas na tawag o messages sa akin lalo na ang tungkol sa tawag ng boss ko. At malakas ang kutob ko, ang boss kong si Mr. Diegs ang tumatawag.

Ayaw ko sanang iwan ang magandang scene kung saan ay inaabot ng babae ang nasa loob ng typan para sabunin. Pero mas nanaig ang tawag sa cell phone. Delikadong ako ang masabon kapag hindi ko nasagot ang tawag. Nagmamadali akong bu-maba sa puno. Maingat na maingat at walang ingay. Patuloy naman sa pagtunog ang cell phone. Talagang urgent. Asar naman itong si Mr. Diegs kung kailan napakaganda na nang pinanonood ko e saka naman tatawag.

Nakababa ako sa mangga. Mabilis na tinakbo ang pintuan sa likod ng bahay para makapasok sa loob. Pero eksaktong nasa loob na ako ng bahay e tumigil ang pagring. Grrrr!

Tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Mr. Diegs nga. Balak ko nang I-text pero naaalala ko, ayaw nang tini- text siya. Mas gusto na tinatawagan. Tinawagan ko. Pero wala namang sumasagot.   Ring nang ring. Isang try pa at baka nagpunta lang sa com- fort room. Pero walang sagot.

Banas kong binitiwan ang cell phone at ipinas-yang umakyat muli sa puno. Pero nang aakyat na ako, tumunog uli. Kaskas na naman ako pabalik sa loob      ng bahay.

“Hello!”

Sumagot na ang boss kong Mr. Diegs.

“Langya ka, Perfecto ka­ni­na pa ako tumatawag sa’yo. Hindi ka sumasagot…” sabing tila naiinis ni Mr. Diegs. Ako pa ngayon ang may kasalanan. Pero sabi nga, wag kang sasagot sa bossing. Pakumbaba lang. Okey naman si Mr. Diegs wag lang aabusuhin.

“Nasa bubong kasi ako Bossing,” sabi kong sa himig e nagso-sorry.

“Bubong? Ba’t ka nasa bubong? Namboboso ka siguro ano?”

Napangiti ako. Tumama si Mr. Diegs.

“Tumutulo na Sir. Tinatapalan ko.”

“Ah okey. Ganito, kaya ako tumawag, sumama ka kay Frankie sa pag-shoot dun sa bagong model. Iku-cover natin sa sunod na isyu. Gusto ko hindi lang photographs ang mag-appear sa cover, me illustration. Kayang-kaya mong mag-illustrate ng tsikas lalo na kung nakabakat ang katawan. Yung tipo bang wetlook. Ano Per?”

“Sige Bossing. E kailan bang pictorial?”

“Bukas na. Mga dalawang araw siguro kayo. Sa isang resort sa Nagcarlan ang shooting…”

“Saan yun Nagcarlan, Bossing?”

“Laguna. Okey Per?”

“Sige Boss.”

Pagkatapos naming mag-usap ay kaskas ako ng takbo patungo sa punong mangga. Umakyat ako. (Itutuloy)

AKO

ANO PER

DIEGS

MR. DIEGS

NAGCARLAN

OKEY PER

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with