^

True Confessions

Ako ay makasalanan (102)

-

MANILA, Philippines - HINDI ko alam kung ga-ano katagal ginawa ni   Aling Pacing ang walang kapatawarang kasalanan na iyon sa nasa aking si­napupunan. Basta nala­man ko na lamang na tapos na ang lahat. Para lang akong binunutan ng ngipin na namalayan ko na la­mang na wala na pala. Na­ilagay na kung saan ang “dinukot” sa aking sinapu­punan.

Nakadama ako ng pang­hihina. Parang hindi ko kakayaning bumangon at maski maupo sa gilid ng papag. Wala akong lakas. Ano itong nangyayari sa akin?

“Sige magpahinga ka muna. Eto, higupin mo muna ito at mamaya-maya lang puwede ka nang umuwi,” sabi ni Aling Pacing.

“Tapos na, Aling Pacing?”

“Oo. Maliit pa lang e.”

Sa unang pagkakataon ay nakadama ako ng kila-bot. Pakiramdam ko pa, may sumampal sa pisngi ko.

“Yung isa ngang nagpa­dukot sa akin, ang laki na, pero nakuha pa rin. Mara­ming nagpupunta rito e   mga estudyante. Nadis­grasya ng boyfriend. Min­-san me artista na nabuntis ng kapa­rehang artista. Meron din na asawa ng    nasa Saudi…”

Naninindig ang aking balahibo. Hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa akin. Tila giniginaw ako.

“Aling Pacing giniginaw ako…”

“Ganyan talaga ‘yan. Hi­gupin mo itong sabaw at ma­ maya lang tanggal na ‘yan.”

Hinigop ko ang sabaw na nasa tasa. Napaso ako. Hindi ako mahilig sa sabaw pero naubos ko. Gusto   kong mawala ang nararam­da­mang ginaw.

Umalis si Aling Pacing at nang magbalik ay may da­lawang blanket.

“O ikumot mo muna.”

“Salamat po.”

“Sige magpahinga ka muna diyan. Wala pa siguro akong darating na kusto- mer ngayon dahil marami nang kalaban. Diyan sa me gilid ng simbahan ng Quiapo e andami nang kala­ban…”

Inaantok ako pero nari­nig ko pa rin ang sinasabi ni Aling Pacing.

“Marami na akong ka­laban pero akala nila susu­ko na ako. Nagkakamali sila.”

Hindi ko na mawawaan ang mga sinasabi ni Aling Pacing. Maski ang mukha niya ay blurred na. Antok na antok ako. Hinang-hina. Talang nasaid na ang la­kas. Nahigop yata lahat ang dugo dahil sa ginawa ni Aling Pacing. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALING

ALING PACING

PACING

SHY

SIGE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with