^

True Confessions

Ako ay makasalanan (101)

- Ronnie M. Halos -

NAKITA ko ang tinurong ba­hay ng abortionist sa da­kong iyon ng Sta. Cruz. Nasa isang masikip na eskinita at hindi mahahalatang may klinikang ang espesyalidad ay “maglaglag”. Noon una ay hindi ako makapaniwala sapagkat tila gapok na ang bahay ng abortionist. Parang isang mahinang yanig ng lindol at baka magiba.

Lumangitngit ang hagdan ng umakyat ako. Nasa second floor daw ang may-ari. Kumatok ako sa pintong ga­ wa sa plywood. Maya-maya ay may nagbukas. Isang matandang babae na sigu­ro’y 60-taong gulang. May uban ang magkabilang gilid ng nakapusod na buhok.

“Good morning po, an­dyan po si Aling Pacing?”

Hindi agad ibinukas nang todo ang pinto. Tumingin sa da­kong likuran at tinitiyak kung meron akong kasama. Nang matiyak na wala ay ini­ luwang ang pinto.

“Ako si Pacing. Magpapa­ano ka?’’ tanong at nginuso ang tiyan ko.

“Opo.”

“May kasama ka ba?”

“Wala po.”

Saka pa lamang ibinukas ang pinto at pinapasok ako. Pagkapasok ko ay agad si-na­ra ang pinto. Nilagyan ng ka­dena.

Hinatak ni Aling Pacing ang plastic na upuan at inila-pit sa akin.

“Ilang buwan na ‘yan?”

“Mahigit pong isang bu­wan.”

“Ah dugo pa ‘yan. Madali pang remedyuhan.”

“Magkano po.”

Sinabi ang presyo. Tamang-tama ang dala kong pera. De­sidido na ako. Hindi ko na ipag­papaliban. Gusto ko nang ma­wala ang nasa sinapupunan ko.

Pero meron pa rin akong kaba habang hinihimas ni Aling Pacing ang puson ko. Tila ba tumigil sa pag-ikot ang mun­ do. Hindi ko na maintin­dihan kung ano na ang nang­yayari sa kapaligiran.

“Saglit lang yan,” sabi ni Aling Pacing.

Kasunod ay pinahiga na ako sa isang papag. Nakita ko sa itaas ang bulok na ki­same na parang sa isang ma­hinang yugyog ay bibigay at babagsak sa mukha ko. Hindi ko tinitingnan si Aling Pacing kung ano ang mga inihahan­dang gamit. Ayaw kong ma­kita. Pumikit ako. Subalit nang dumampi ang mga pa­lad ng matanda sa aking ka­selanan ay gusto kong bu­mangon at takasan ang isa­sagawang karumal-dumal na kasalanan. Ayaw ko na!

Subalit nanaig ang aking kasutilan. Hinayaang guma­wa ang makasalanang ka­may ni Aling Pacing. Hina­ya-ang pumatay sa walang labang nasa sinapupunan. Gaano na kaya karami ang napatay ng matandang ito? Kung anu-ano ang naririnig ko. May mga su­ misigaw ng pagtutol sa gi­nagawa ng matanda. Su­balit manhid na ang matanda. Wala na itong pakialam. Ako naman ay mistulang bang­kang papel na nagpaanud-anod. Kahit saan tangayin ay walang pakialam. (Itutuloy)

AKO

ALING

ALING PACING

AYAW

PACING

SHY

SUBALIT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with