Ako ay Makasalanan (97)
SA lakas ng sampal sa kali wang pisngi ko ay umugong ang aking taynga. May mga estrelya akong nakita. Nasadlak ako sa sulok ng salas at mabuti at naitukod ko ang kamay sa dingding kundi ay baka sumalpok ang mukha ko roon.
“Sige hintayin mo na lang ang pagkikita n’yo ng hina yupak na si Mon,” sabi ni Mr. Dy at walang anumang lumabas makaraang damputin ang clutch bag sa mesita. Hindi man lang nakagawa ng ingay sa pinto nang lumabas. Marahang dumating at marahan ding umalis.
Naisip ko, bakit kaya walang ginawa sa akin maliban sa sampal. Pero nakapagbigay ng kaba sa akin ang sinabing “magkikita na lamang daw kami ni Mon”. Masama. Delikado ako!
Mabilis akong kumilos. Pumasok ako sa kuwarto. Nagsuot ng pantalon at t-shirt. Hinagilap ang bag.
Pero paglabas ko ng kuwarto, narito na ang dalawang “tuta” ni Mr. Dy. Gumapang na ang kilabot sa katawan ko. Eto na marahil ang kasagutan sa sinabi ni Mr. Dy kanina na magkikita rin kami ni Mon. Ang dalawang ito ang papa-tay sa akin. At siguro ang mga ito rin ang pumatay kay Mon. Pinutulan muna ng “ari” saka inihulog sa Ilog Pasig. Tipong sinalvage.
“Sama ka raw sa amin, Mam,’’ sabi ng isa. Maikli ang buhok at matipuno ang pangangatawan. Sa pagmumukha ay tila hindi marunong maawa.
Tinangka kong umatras at magtago sa kuwarto pero mabilis ang kasama at nahawakan ako sa kamay. Mala-kas ang lalaki sapagkat hindi ko magawang makawala sa pagkakahawak.
“O huwag nang pumalag at baka lalong magalit si Mr. Dy. Masamang magalit yun,” sabi ng lalaking humawak sa akin.
‘‘Maawa kayo sa akin, inutusan lang ako ni Mon,’’ sabi kong nanginginig ang boses.
‘‘Sana sinabi mo yan kay Mr. Dy at hindi sa amin. Kami mga alalay lang na sumusunod kung ano ang sabihin. Halika na at baka mainip si Mr. Dy ay kami naman ang malintikan. Huwag ka nang pumiglas at baka lalo ka lamang mapadali…”
“Maawa na kayo sa akin!”
“Wala naman kaming gagawin sa’yo. Isasama ka lang namin doon sa tirahan namin… Halika ka na, Mam.”
Gusto kong pumiglas pero parang bakal ang kamay na nakahawak sa akin. Hindi ko magagawang makatakbo ka hit iyon ang aking plano. Ano ang lakas ng isang babaing katulad ko sa mga lalaking sanay na yatang “pumatay”.
Sumama na lamang ako. Nakahawak pa rin sa aking braso ang isa. Ang lalaking matipuno ang pangangatawan ang nagsara sa pinto ng unit. May dalang sariling susi. Kabisado na ang pagsasara na ang ibig sabihin, alam na alam na ng dalawang ito ang kabuuan at nangyayari sa unit. Siguro’y nakasubay- bay na ang dalawang ito noon pa at nakikita ang ginagawa naming “pagtatalik’’ at ‘‘paglalaro” ni Mon.
Madilim sa baba ng unit kaya hindi mapapansin ng sinumang taong naglalakad na may nangyayaring hindi pangkaraniwan. Nakita ko ang nakaparadang asul na kotse. Isinakay ako sa gitna. Katabi ko pa rin ang lalaking may hawak sa braso ko. Hindi ako talaga makakatakas sa dalawang ito.
Tumakbo ang kotse. Hindi ko alam kung saan patungo. Nagpasikut-sikot sa makikitid na eskinita. Alam ko nasa Chinatown pa kami dahil sa mga adorno at palamuting Intsik.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending