^

True Confessions

Ako ay makasalanan (96)

- Ronnie M. Halos -

NAHATAK sa isang hila ang siper ng clutch bag. Bumuka. Pero ganoon na lamang ang pagtataka ko nang makitang walang lamang pera ang clutch bag. Ang naroon ay bote ng pabango, pang-ahit, panyo at iba pang abubot. Namutla ako. Hindi ko ina­asahan na walang lamang pera. Nakatunog kaya ang Tsekwa kaya hindi    na naglagay ng pera?

Mabilis ko rin namang naisara ang clutch bag at naibalik sa dating posis­yon. Pero hindi ko alam, nakatingin na pala sa akin si Mr. Dy. Nakatayo siya   sa di-kalayuan.

“Mr. Dy!”

“O me nakita ka ba, Tess?”

“Ha, a e kuwan…”

Napailing-iling si Mr. Dy. Ako ay nanlamig. Siguro’y parang ibinabad sa suka ang mukha ko sa pagka­putl­a. Huling-huli ako sa akto.

“Sabi ko sa’yo seloso ako. Kapag sa akin e sa akin lang. Matigas ang kukote mo.”

“Mr. Dy. Hindi ko talaga gustong gawin ito…”

“O wala pa naman akong sinasabi e kumakanta ka na. Sige kung gusto mong kumanta e bahala ka…”

Tila gusto kong maupos. Nararamdaman ko unti-unti ang ngitngit ng Tsekwa. Baka ito na ang katapusan ko. Pero kailangan kong ilig­tas ang sarili.

“Si Mon po ang nag- utos sa akin. Napilitan lang ako…”

Nagtawa si Mr. Dy.

“Sabi ko na nga ba at talagang tinraidor ako ng hayup na yun. Pero okey lang, nakaganti na naman ako…”

Nakamaang ako. Anong ibig sabihin ng Tsekwa.

“Alam mo ba kung nasa­an na ang hayup na si Mon?”

Tila gusto ko nang mau­pos at mawalan ng malay sa takot.

“Wala na siya. Sabi ko na kasing wag akong tatrai­durin e ang tigas ng ulo. Pati ikaw pala e dinudutdot ng hayup na iyon at puma­payag ka naman. Di ba sabi ko, seloso ako. Kapag ari ko na huwag nang magpapa­ari sa iba. E di putulin ang ari…”

Naalala ko ang nabasa sa tabloid. Lalaking nakuha sa Ilog Pasig at putol ang ari. Si Mon nga ‘yun!

“Pinilit lang ako ni Mon. Ayaw ko pero pinilit ako!” sabi kong nanginginig.

“Kung ayaw mo, hindi ka mapipilit pero nagawa mo kaya gusto mo rin.”

“Patawad Mr. Dy. Hindi na mauulit.”

“Talagang di na mau­ulit. Sige ha?”

Aalis na siya. Nalapitan ko at niyakap.

“Aba’t ang putang ito’t makulit ah!” Sabi at sinam­pal ako.

(Itutuloy)

AKO

ILOG PASIG

MR. DY

PERO

SABI

SHY

SI MON

TSEKWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with