^

True Confessions

Ako ay makasalanan (50)

- Ronnie M. Halos -

“AY Sir ha, inaanoh mo nah ako n’yan,” sabi ko na nagbubuhol na rin ang dila dahil sa epekto nang masarap na alak. Pero sinabi ko iyon na may bahid ng landi.

“Walah namang ma­samah, Tess. Para silip lang. Kasih ay talagang ikaw ang pinaka­ma­ganda sa mga estud­yante koh. Alam mo bah, dalawang uniber­sidad ang pinagtu­turuan koh at ikaw lang talagah ang ubod ng gandah at seksi…”

Napangiti ako. Ma­sarap pakinggan kahit parang ako ay binobola ni Prof.

“Marami akong tinu­turuan, Tess kaya malaki rin ang aking suweldo. Kaya ngah binigyan kita ng pera. Sa sunod bigyan pah kita…”

Nagahaman ako. Ka­ilangan ko ng pera. Pina­lakas ng alak ang pag­kagahaman ko sa pera.

“Talaga, Sir? Binobola mo naman akoh e.”

“Ay sus naman si Tess hindi akoh marunong mambola. Kung nambo­bola akoh e di sana di kita binigyan. Gusto mo dag­dagan ko pa ‘yan… ano Tess?”

Umiiral na ang pagka­gahaman ko. Kung ma­rami akong pera, mas masaya ako. Secure ako.

“Gawin mo na lang, Sir.”

“Abah at talagang hinahamon akoh, sandali ha.”

Tumayo si Sir. Umiikis na ang paa nang mag­tungo sa kanyang ku­warto. Hula ko kukuha ng pera. Madaling utuin ang prof na ito.

Nang bumalik, tumabi sa akin. Ipinakita sa palad ang balumbon ng pera. Na­palunok ako. Lalo akong nagahaman.

“Sa iyo lahat ito.”

“Akina.”

“Pasilip ngah munah ng boobs mo. Silip lang eh, sige nah…”

Silip lang naman. Ano bang masama sa silip? Masama kung lalamasin niya? Pagkatapos niyang masilip e di sa akin na ang pera.

“Sige nah Tess…”

Inalis ko ang pagkaka­butones ng blusa ko. Mga tatlong butones. Ibinukas ko.

“O,”

Sinilip ni Prof. Tila lu­muwa ang mga mata.

“Paano ko naman makikita e may bra. Angatin mo naman Tess, kahit kaunti lang.”

Langhiyang ma­tanda ito at talagang desidido na. Inangat ko ang brang tumatakip sa isang “papaya”. Sumu­ngaw.

“Yan! Talagang okey!” sabi ni Sir.

Akala ko okey na. Meron pa palang hihi­lingin. Ang kakambal ng “papaya”.

(Itutuloy)

vuukle comment

ABAH

AKINA

AKO

PERA

SHY

SILIP

SIR. UMIIKIS

TESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with