^

True Confessions

Black Pearl (78)

-

SI Melissa ba iyon o ka­mukha lang? Maraming kamukha si Melissa. Ilang saglit akong natigilan. Nag-isip. Nagkuwenta sa isip. Mahigit nang isang taon mula nang may mangyari sa amin ni Melissa. Pa­rang kailan lang ang lahat. Kung si Melissa nga ‘yun, baka ang akay niyang dalawang bata ay anak ko. Ha-ha-ha! Ang galing ko namang mag-imagine. Ni hindi ko nga sigurado kong si Melissa nga ang babae ay kung saan-saan na lu­mipad ang imahinasyon. Ano ka ba Frankie Boy? Bakit tila gusto mo pang balikan ang nakaraan? Sigaw ng konsensiya ko.

Ganoon man, nang ma­kabawi ako sa pagmumuni-muni ay saka ko naisipang sundan ang mag-iina na ang kutob ko ay si Melissa. Pero ang pagmumuni-muni ko kanina ang nakasaga-bal sapagkat mabilis na na­wala ang nakita kong ba-bae.

Hinahanap ko sa kapal ng mga tao na naglalakad sa mall. Wala. Nakarating ako hanggang sa may pin­tuan palabas ng mall pero wala akong nakitang mag-ina. Ang bilis namang na­wa­la. Baka naman puma­sok sa comfort room. O baka meron pang pinuntahang iba. Naghintay pa ako ng   ilang saglit sa may pintu- ang pa­labas. Pero wala na talaga.

Ipinasya kong umuwi na.

Habang nakasakay sa bus pauwi, ang babaing nakita sa mall ang iniisip ko. Si Melissa nga kaya iyon    at ang akay niyang dala­wang batang babae ay anak ko? Posible. Ilang beses ka­ming nagtalik ni Melissa at baka naasembolan ko siya. Hindi na naman maaaring makabuntis si Fernando da­hil apektado ng kanyang sa­kit ang pagkalalaki. Wala nang ikakaya.

Pero kung si Melissa nga ang babae, bakit sila lang ang nasa mall. Nasaan si Fernando? Muli ay gumi­ling ang aking imahinasyon. Hindi kaya patay na si Fer­nando at dito na sa Maynila naninirahan sina Melissa. Kasi’y bakit dito pa sa May­nila dadayo ng pagsa-shopping si Melissa gayung sa Calapan City sa Mindoro ay may malaking department store. Maski sa Batangas ay maaari ring mag-shopping si Melissa. O baka naman, hiniwalayan na ni Melissa si Fernando? Na­tatandaan ko, sabi ni Melissa kapag hindi na siya nakatagal ay aalis siya o magpapakamatay siya.

Makalipas ang isang linggo ay nagbalik ako sa mall na kinakitaan sa ba­bae na kamukha ni Meli­ssa. Baka matiyempuhan ko. Malay ko kung gano­ong araw ang pamamas­yal   nila ng mga anak sa mall. Kapag nakita ko muli sila, susundan ko na para ma­ka­tiyak. Hindi ko na hihiwa­layan kahit saan magpunta.

Alas-diyes ng umaga ako nagtungo sa mall. Sa lugar na kinakitaan sa babae ako naghintay.

(Itutuloy)

CALAPAN CITY

FERNANDO

FRANKIE BOY

ILANG

MALL

MELISSA

PERO

SHY

SI MELISSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with