^

True Confessions

Black Pearl (55)

- Ronnie M. Halos -

NAG-IISA na ako nga­ yon sa aking bahay sa Lagro. At ngayong ma­layo na ako kina Melissa at Fernando, nakada­ra­ma naman ako ng lung­kot. Nakababagot. Ma­ba­gal umusad ang oras. Pero kailangan kong tiisin ang kalagayang ganito. Sabagay, sanay naman ako sa ganitong kalagayan na walang kasama. Noong nasa Ri­yadh pa ako e nala­ba­nan ko ang lungkot. Nang makilala ko si Fer­nando roon e nabawa-san ang nadamang lung­kot dahil naging magka­ibi­gan kami. Nang mag­pas­ya siyang umuwi na dito sa Pilipinas, balik ako sa malungkot na buhay. Sabi ni Fernando sa akin noon e bakit hindi pa kami sa­ bay na umuwi. Tumanggi ako dahil sa palagay ko hindi pa sapat ang ipon ko. Takot akong maghi­rap. Siya, marami nang pera kaya puwede na. At ng mga panahong iyon ay nagbabalak na ngang mag-asawa kay Melissa nga. Matagal bago kami muling nagka­roon ng komunikasyon. At kung alam ko nga, na mayroon palang plano si Fernando kaya ako pinapunta sa Pinama­layan, hindi na sana ako nagtungo. Na­kaiwas sana sa kasala­nan. Nga­yon, hindi ko na­man lu­bos maisip na ma­ka­kaya ni Fernando na ipagka­loob sa akin ang kanyang asawa. Kawa­wa raw kasi. Sayang ang kasari­ waan. Ganoon lang.

Ikinatatakot ko ay baka kung ano ang gawin ni Me­lissa, kapag nala­mang itinuloy ko ang pag-alis. Hindi naman siguro mag­ papakamatay. Kaloko­han na magpakamatay ang babae dahil lumayas ang kanyang “lalaki”. Mas magagawa pa ni Melissa na manlalaki kaysa mag­ pakamatay. Kung gano­on ang gagawin niya, mas magiging kawawa si Fernando dahil mada­ dag­dagan ang problema niya. Pero siguro kaya na niyang tanggapin dahil nga iniligtas naman siya ni Melissa sa kamatayan. At posible rin na iyon na ang maging dahilan para siya ma-stroke muli at hindi na makaligtas.

Isa pa ring ikinababa­hala ko, paano kung sun­dan ako ni Melissa. Sa­nay din siya rito sa May­nila dahil dito siya nag-aral. Minsan, nasabi kong sa Lagro ako nakatira. Gaa­ no nang ipagtanong kung nasaan ang Lagro. At kung ganoon ang gaga­win, baka dito na maitu­loy ang kasalanan. Iiwa­nan na niya nang tulu­yan si Fernando.

Tumututol ang isip ko: Huwag na huwag mong iisipin ang ganon, Frankie Boy at baka ganoon nga ang mang­yari. Kung ano ang ini­isip mo, iyon ang mang­yayari kaya mag-ingat ka!(Itutuloy)

AKO

DAHIL

FERNANDO

FRANKIE BOY

GAA

KUNG

LAGRO

NANG

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with