^

True Confessions

Laman (77)

- Ronnie M. Halos -

“HALIKA na, Benhur!”

Tawag ni Ate Lina mula   sa kusina. Tumayo ako. Ha­bang palapit ako sa kusina   ay nasasamyo ko ang ma­bangong karne na niluto ni Ate Lina. Bistik Pilipino. Bu­kod doon nasamyo ko rin   ang mabanong kanin.

Hindi lang pala Bistik Pili­pino ang inihanda, marami pa. Pero sa lahat ang Bistik Pilipino niya ang pinaka-gus­to ko. Masarap ang laman,

“Upo na, Benhur.”

“Ikaw?”

“Babantayan na lang kita.”

“Baka me iba ka pang bisita…”

“Ay ang kulit nito. Papu-pun­tahin ba kita rito kung     may iba pa akong bisita?”

“Si Job?”

“Huwag mo ngang bang­gitin ‘yun.”

“Bakit?”

“Basta! Kumain ka na nga lang, Benhur.”

Nagkamay ako. Mas ma­sa­rap kainin ang Bistik Pili- pino kung nakakamay. Nala­lasap ang linamnam. Nadara­ma ang sarap.

“Ayaw mo ng ibang ulam, Benhur?”

“Tama na ‘tong bistik. Mas­yado akong nasabik.”

Nagtawa si Ate Lina.

“Masarap?”

“Super.”

Kumuha ng tubig sa ref si Ate Lina. Nagpapawis ang tu­big sa kristal na lalagyan. Nag­salin sa baso. Idinulot sa akin.

“Uminom ka muna at na­kakahirin.”

Inabot ko ang baso ng tubig. Sa pag-abot, nahipo ko ang daliri. Nagkatinginan kami. Bina­ wi ko. Hindi ko kaya ang tingin ni Ate Lina.

Ininom ko ang tubig. Straight. Ang sarap!

“Isa pa”

Tumango ako. Sinalinan pa niya. Dinampot ko at ininom uli. Ubos na naman.

“Uhaw na uhaw ka Ben­hur.”

“Oo nga. Matagal na.”

Nagkatinginan kami. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na binawi ang pagkakatingin. Lumaban ako sa kanya ng tinginan. Matagal.

“Ikaw Benhur ha?”

Hindi ako nagsalita pero hindi ko inaalis ang pagkaka­tingin sa kanya.

“Akala ko may sasabihin ka? Di ba kaya mo ako pi- na­punta rito?”

 tanong ko.

Napatungo siya. Nilaro   ng daliri ang basong ininu­man ko.

“Anong sasabihin mo?” tanong ko.

“Tapusin mo muna ang pagkain mo.”

Sinaid ko ang kanin sa ping­­gan. Masarap talaga ang Bistik Pilipino. Purong laman.

(Itutuloy)


vuukle comment

AKO

ATE LINA

BENHUR

BISTIK PILI

BISTIK PILIPINO

MASARAP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with