^

True Confessions

Laman (76)

- Ronnie M. Halos -

PUMUNTA ako ng gabing iyon sa malaking bahay ni Ate Lina. Pero habang nag­ ma­maneho patungo roon, na­isip ko, paano kung naro­on si Job. Baka lumabas na tanga ako roon. Pero sabi ni Ate Lina, pumunta ako dahil meron siyang mahalagang sasabihin sa akin. Ipinag­patuloy ko ang pagma­ma­neho. Gusto kong makara­ting sa bahay ni Ate Lina.

Walang sasakyan na nakaparada sa tapat ng kanyang bahay. Ibig sabihin wala si Job. Ang nakita ko   ay pulang sasakyan ni Ate Lina sa garahe. Maliwanag sa gate. Binuksan na ni Ate Lina na parang sigurado na darating ako. Ano ba itong naisipan ni Ate Lina at sa dis­oras ng gabi pa ako pina­punta?

Hindi ko pa natutuunan ang door bell ay nakita kong palabas na si Ate Lina. Wala siyang katulong o maid sa ba­ hay. Habang papalapit nakita ko ang magagandang hita    na inilantad ng kaking shorts.

“Ang bilis mo, Benhur,” sabi niya habang inaalis       ang kandado ng gate. Rehas-rehas ang malalaking bakal. Ibinukas niya.

“Walang trapik eh.”

“Anong sabi ng Inay mo?”

“Wala si Inay nasa probin­ siya. Naiinip na raw siya rito.”

“Mabuti naman.”

Nahiwagaan ako sa sina-bi niya.

“Halika sa loob. Hindi ka pa kumakain ano?” tanong niya habang patungo kami   sa loob.

“Hindi pa nga.”

“Tamang-tama ang niluto kong ulam, paborito mo.”

“Ano?”

“Bistik Tagalog. Di ba yun din ang lagi mong niluluto noong magkasama pa tayo sa tirahan sa Sampaloc?

“Oo paborito ko yun at saka yung corned beef na may tinadtad na patatas.”

Nagtawa si Ate Lina.

“Ang sarap alalahanin ng nakaraan ano, Benhur?”

“Yung alaala n’yo ni Jo­shua?”

“Kasama ‘yun.”

“Yung ginawa sa’yo ni Cynthia at ang nakaraan n’yo ni Raffy?”

Napaismid si Ate Lina.

“Huwag mo nang ipaalala sa akin ‘yun.”

“E ang kay Job?”

“Wala pa nagsisimula pa lang.”

Itinuro niya sa akin ang sopa.

“Maupo ka at maghaha­in ako.”

“Tulungan na kita.”

“Basta maupo ka diyan at pagsisilbihan kita.”

Nakamaang ako. Nasun­dan ko ang pagtungo niya sa kusina. Makinis, magaganda at mahubog pa rin ang mga binti at hita ni Ate Lina. Hindi kumukupas. Naalala ko no­ong unang makita ang black bikini niya nang mag­ tungo sa probinsiya. Nasa ilalim ako ng silong noon. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ATE

ATE LINA

LINA

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with