^

True Confessions

Laman (57)

- Ronnie M. Halos -

MALIIT pala talaga ang mun­do. Napatunayan   iyon ni Ate Lina nang ma­diskubre niyang ang CYNTH na tumatawag kay Raffy ay ang CYNTH na umapi at sumira sa kanilang pagmamahalan ni Josh. Akalain ba niyang nobya pala ni Raffy ang CYNTH na iyon. Hindi siya makapaniwala sapagkat ang matagal na niyang hi­nahanap na babae para mapaghigantihan ay eto’t may relasyon sa lalaking nakilala niya at nagkaka­interes sa kanya.

Nadiskubre iyon ni    Ate Lina nang minsang paki­alaman niya ang cell phone ni Raffy. Hina­lung­kat niya. Nakita niya ang number ng CYNTH at ki­nopya niya. Bakasakaling iyon nga ang babaing kina­mumuhian niya. Pati landline ng CYNTH ay kinu­ha rin niya.

Isang araw, naisipan ni­yang tawagan ang numero ng CYNTH na kinuha niya kay Raffy. Sa pay phone ng pinagtatrabahuhang mall siya tumawag para safe. At positibo ang kanyang pag­tawag sapagkat iyon nga ang CYNTH na matagal na niyang hinahanap.

“Hello!” sabi ni CYNTH sa kabilang linya. Hindi raw maaaring magkamali si     Ate Lina sa boses ng baba­ing sumagot sa kanya. Hindi niya maaaring makalimu- tan ang boses ng babaing walang­hiya. Nakatatak na sa isipan niya ang boses ng babaing iyon.

“Hello! Buwisit!” sabi pa ni Cynth na halatang inis dahil walang sumasagot sa kabilang linya. Ibinagsak ni Cynth ang telepono. Wala naman talagang balak su­ma­­got si Ate Lina. Gusto lang niyang siguruhin na si CYNTH nga ang siyota ni Raffy.

Napangiti si Ate Lina sa pangyayaring iyon. Kusang dumating ang pagkaka- taon para magkrus ang lan­das nila ni Cynthia. At ang naging tulay pa para sila magkita ay isang lalaki sa katauhan ni Raffy.

Iningatan naman ni Ate Lina na may malaman si Raffy tungkol sa kanyang natuklasan kay Cynthia. Kapag may nalaman ito,   tiyak na sira ang naiisip niyang plano.

Hinayaan na lamang ni Ate Lina ang patuloy na pag­diskarte sa kanya ng playboy na si Raffy. Tataka­win niya nang todo si Raffy. Alam na alam na niya ang gaga­win sa lalaking “nama­mang­ka sa dalawang ilog”. Sisi­guruhin niyang siya     ang mananalo kay Raffy at hindi si Cynthia.

“Talaga bang wala kang siyota, Lina?” tanong min­san sa kanya ni Raffy habang kumakain sila sa isang seafood restaurant sa Greenhills.

“Wala.”

“Kasi’y ang gandagan­da mo. Imposibleng hindi ka pa nagkaka­siyota.”

“Ang kulit mo talaga Raffy, naiinis na ako sa’yo.”

“E di puwedeng tayo na ang magsiyota?” ta­nong ni Raffy.

“Kung wala kang siyo­ta. Hindi naman ako na-ni­ni­walang wala kang siyo­ta, Raffy?”

“Puwede ko namang iwan ang siyota ko…”

Napangiti nang lihim    si Ate Lina.

“Kaya mo?”

“Oo.” (Itutuloy)

ATE

ATE LINA

CYNTH

LINA

NIYA

RAFFY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with