^

True Confessions

Laman (48)

- Ronnie M. Halos -

KINUTSABA pala ni Jo­shua ang nurse kaya nakapasok si Ate Lina. Naawa na rin siguro ang nurse kay Joshua kaya pumayag. Siguro ikinu­wento ang ginagawa ng mommy ni Joshua na grabeng paghihigpit at pakikialam sa personal na buhay kahit nga sa pag-ibig.

“Sige na Lina, umalis ka na at baka abutan ka ni mommy. Text na lang kita, I love you.”

“I love you too…”

Lumabas na si Ate Lina. Nakabuntot  naman ang nurse at itinuturo kung saan dadaan para hindi masalubong ang mommy   ni Joshua. Nag­pasalamat si Ate Lina sa nurse. Kundi dahil dito, hindi sila mag­kakausap ni Joshua.

“Baka naman puwe-deng makiusap na tulungan mo pa kami na mag­kitang muli. Lubus-lubusin mo na ang pagtulong mo sa amin.”

“Walang problema bas-ta makakaya ko. Naaawa nga ako sa inyong dala­wa. Ganyan din ang nang­yari sa sister ko.”

“Kunin ko ang cell phone mo puwede?”

“Sure. Text ko na lang sa’yo kung ano ang mga nangyayari rito.”

Kinuha ko ang number ng nurse.

“Ano nga palang name mo?” tanong ni Ate Lina.

“Lyra.”

“Maraming salamat Lyra. Ako nga pala si Lina.”

“Sige Lina. Diyan ka magdaan patungo sa lobby. Deretso lang tapos ku­ma­liwa ka.”

Nagmamadaling uma- lis si Ate Lina.

Makaraan ang dala­wang araw, nagtext si Ate Lina kay Lyra. Tinanong kung ano na ang lagay ni Joshua at kung naroon ang mommy nito. Katatapos lang daw ng chemo ni Jo­shua at mahigpit na bina­bantayan ng mommy nito. Hindi na raw halos uma- alis sa kuwarto ni Joshua. Naghihinala raw kasi na may babaing nagpunta.

“Ako ang pinaghihina­laan, Lyra?”

“Hindi naman. Me nakita kasing panyo rito kaya naghinala. Naiwan mo ba ang panyo mo rito?”

“Oo, Lyra.”

“Text kita Lina kapag puwede ka nang mag­punta.”

Pero ilang araw na ang nakalipas ay hindi nagti-text si Lyra. Hindi mapa­kali si Ate Lina kaya siya na ang nagtext.

“Wala ang mommy ni Joshua rito pero ang pin­san niyang babae ang nagbabantay.”

“Anong pangalan ng pinsan?”

“Cynth.”

Gustong umakyat ng dugo sa ulo ni Ate Lina. Naisip daw niya, ano kaya raw at pumunta siya roon at awayin na ang mortal niyang kaaway na si Cynth.

(Itutuloy)

ANO

ATE

ATE LINA

CYNTH

JOSHUA

LINA

SHY

SIGE LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with