^

True Confessions

Laman (38)

- Ronnie M. Halos -

MAHAL na mahal daw niya si Joshua at ng mga oras daw na iyon ay wala na siyang ibang naiisip kundi ang masayang sandali ng kanilang pag­sasama. Hindi na raw siya kinakabahan o nata­takot man lamang kahit alam niyang kasama nila sa isang bahay ang pin­san ni Joshua na si Cynth. Bakit nga ba siya mata­takot kay Cynth. Sabi nga sa kanya ni Joshua hu­wag daw niyang intindihin    si Cynth.

Nag-apoy ang paki­ram­dam ni Ate Lina nang gumapang ang kamay ni Joshua sa mayayaman niyang “bundok”. Iyon ang ikalawang pagkaka­taon na nadama ni Jo­shua ang “kambal na bun­dok”. Sanay na sanay na ang palad ni Joshua. Alam kung saan dadamahin para lalong sumikad ang pagna­nasa at lalo pang mag-apoy ang nararamdaman.

“Josh…”

Nagpatuloy si Joshua sa pagdama.

“Hubarin mo na nga ang blouse mo, Lina.”

Parang robot na kumilos si Ate Lina. Hinubad ang blouse na walang kasabit-sabit. Nalantad ang bra. Namalas ni Joshua ang pis­ngi ng nililikot kanina. Hindi na ito makapagpigil at siya na ang nag-alis ng kawit ng bra. Nang maalis ang bra, nalantad na ang mayaman, maganda at cute na mga “bundok” ni Ate Lina.

Iyon na ang pinagka­abalahan ni Joshua. Hindi na tinantanan. Nagmis­tulang sanggol si Joshua sa kandungan ni Ate Lina na sumisimsim ng buhay. Si Ate Lina naman ay sumi­singhap sa bawat pagkilos ni Joshua. Hindi niya ma­ipa­liwanag ang sarap na nadarama.

Pagkatapos niyon, si Joshua na ang kumilos para ang pants naman ni Ate Lina ang mahubad. Hin­di na kaya pang ipagpaliban pa ang nadaramang pagna­nasa ni Joshua. At wala namang kakilus-kilos si Ate Lina. Hinayaan si Joshua sa ginagawa nito.

Nahubad ang pantalon at nalantad ang puting panty.

Si Joshua naman daw ang kumilos para maghu­bad ng suot.

Iglap lang at nagmistula silang mga unang nilikha sa paraiso. Nag-umpisa na ang matamis na pag­mama­halan. Wala nang pakialam at wala nang kinatata­kutan.

Hanggang sa unti-unting angkinin ni Joshua ang pagkababae ni Ate Lina. Nagpaubaya si Ate Lina sa pagkakaloob sa sarili sa lalaking hindi niya alam kung ito nga ba ang makakapiling niya da­kong huli. Bahala na. Basta ang alam niya, mahal niya si Joshua. Iyon lang.

(Itutuloy)

ALAM

ATE

ATE LINA

CYNTH

IYON

JOSHUA

LINA

SHY

SI ATE LINA

SI JOSHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with