^

True Confessions

Karugtong ng Init (10)

- Ronnie M. Halos -

MAGANDA si Rica. Pero yung ganda na may landi. Ang mga mata ni Rica ay tipo bang nang-aakit. Sexy si Rica. Kung mayayabang ang mga boobsie ng love kong si Mi­ chelle, mas ma­yabang ang kay Rica. Kung si Mi­chelle ay hindi man lang masisili­pan ng kanyang mga boob­sie, si Rica ay wa­lang pakialam kahit na uma­paw ang pisngi ng kan­yang mga boobsie. Mahilig pang magsuot si Rica ng damit na malaki ang ukab sa dibdib. Pa­rang sadyang ipi­nag­ma­mahambog ang mayayaman at maya­yabang niyang mga boobsie.

At kapag lumalapit sa akin si Rica, halim­bawa at kapag may itinatanong ukol sa research project, sadya niyang ipinadu­du­ngaw sa akin ang mga boob­sie. At ako naman na may ma­tibay na pa­ngako sa aking si Mi­chelle na hindi titingin sa ibang babae ay hindi nati­tinag. Kahit na ano pa ang gawing pag­pa­­pasilip ni Rica sa kan­yang mga boob­sie, hindi ko maatim na tingnan. Pero sa imahi­nasyon ko, naki­kita ko nang malinaw na si­guro’y rosas na rosas pa ang korona ng mga boobsie ni Rica.

“Pakibasa mo na­man itong ginawa kong study, Ross. Hindi ako sure kung puwede na ito kay bossing.”

“Ha, e iwan mo lang muna at ma­ maya ka­pag wala na akong ginagawa e babasahin ko.”

“Kumain ka na ba?” tanong niya na idini­dikit pa sa braso ko ang isa sa mga boob­sie. Inila­layo ko naman ang braso ko.

“Hindi pa. Mamaya na ako kakain. Kaila­ngang tapusin ko itong ginagawa ko dahil ka­ila­ngan ni Bossing mamayang 3 p.m.”

“Ang ganda pala ng mga mata mo, Ross. Naka-con­tact lens ka ba?”

“Hindi.”

“Anong oras ka la­labas mamaya?”

“Hindi ko sigu­ rado baka mga six.”

“Sasabay ako sa’yo ha. Ma­ hirap tu­mawid di­yan sa tapat. Pu­ wede Ross.”

Hindi agad ako na­kasagot.

(Itutuloy)

ANONG

INILA

ITUTULOY

PERO

RICA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with