^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (53)

- Ronnie M. Halos -

“KAMUKHANG-KAMUKHA mo nga si Joepe. Siguro kapag mga 10 years old na siya, lalong guwapo. Kakagigil na!” sabi ni Luningning. Nasa salas kami. Si Gina ay may pinuntahan. Ang maid naming si Elvie ay nasa palengke. Natu­tulog naman si Joepe sa kuwarto. Umaga noon. Ilang araw na lamang at aalis na si Luningning patu­ngong Australia.

“Hindi maitatanggi na siya ang bunga ng ginawa natin sa Ri­yadh.”

“Oo nga.”

“Mahal na mahal siya ni Gina. Talagang anak na ang turing sa kanya. Pati nga ang dalawang anak namin, kapatid na ang turing kay Joepe.”

Nalungkot si Luning­ning napansin ko. Para bang mabigat ang loob.

“Sana huwag mo na siyang kunin at dalhin sa Australia, Luning­ning.”

Napakagat-labi si Luningning. Parang may sasabihin na inisip muna kung dapat nga bang sabihin sa akin.

“Talaga namang hin­di ko siya madadala roon…”

Napamaang ako. Nag-isip sa sinabi ni Luningning.

“Bakit?” tanong ko pagkaraan.“Hindi na­man alam ni Francis na mayroon akong anak. Ang alam niya, dalaga ako.”

“Bakit mo pinagli­him?”

“Kasi natakot akong baka umatras siya sa relasyon namin at ma­bi­go na naman ako. Ayaw ko nang mabigo.”

“Kung talagang ma­hal ka niya, mauuna­waan niya ang lahat.”

“Hindi ganoon si Fran­ cis. Kahit Pinoy siya, iba ang ugali niya. Ayaw   niya nang may sabit.”

Ibang klaseng lalaki si Francis. Kinabahan ako sa papasukin ni Luningning. Pero sino ba ako para pigilin siya.

“Naaawa ako kay Joepe kasi parang ti­nakwil ko. Hindi ko alam kung gaano ka­raming luha ang uubu­sin ko kapag nasa Australia. Ang naka­pagbibigay na lang ng lakas at li­gaya sa akin ay may­roong ama si Joepe na laging naka­tingin sa kanya. Mabuti na­man at alam kong ma­hal na mahal mo siya…”

Nabagbag ang lo­ob ko sa sinabi niya. Ano ba itong nangya­yari sa amin ni Lu­ning­ning? (Itutuloy)

AYAW

BAKIT

JOEPE

KAHIT PINOY

LUNINGNING

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with