^

True Confessions

Ninong (ika-89 na labas)

- Ronnie M. Halos -

NANG magising ako ay masakit ang tama ng liwanag sa aking braso. Nakahilig na ang araw kaya ek­sakto ang tama sa aking katawan. Bu­mangon ako. Naram­daman ko ang pana­nakit ng aking leeg. Dahil siguro sa pag­kakaunan ko sa ma­tigas na maleta.

Kinapa ko ang aking bulsa. Wala akong masalat na cell phone. Putang-ina, wala na ang cell phone ko. Tumingin ako sa ilalim ng upuan at baka na­hulog lang. Wala! Nadukot na ang ma­mahalin kong cell phone. Hindi ko na­ramdaman nang du­kutin. Siguro ay nasa kahimbingan ako ng tulog, Naihampas ko ang kamao sa maleta. Iyon ang tangi kong magagawa sa pagka­kataong iyon. Sinisingil na nga ako siguro ng langit dahil sa ginawa kong panloloko sa aking asawa.

Nang bigla kong maalala ang aking pitaka sa bulsa. Baka pati iyon ay nadukot din. May laman pang pera iyon. Nang kapain ko, naroon pa. At least mayroon pa akong ma­ibibili ng pagkain.

Ipinasya kong lisa­nin na ang harapan ng Sta. Cruz Church. Hin­di pala ako ligtas kahit nasa bakuran ng sim­bahan.

Bitbit ang maleta, tumawid ako sa kalsa­dang patungo sa ga­wing Escolta. Dinada­anan ko ang isang tulay na ang tubig sa ilalim ay hindi kumi­kilos dahil sa dami ng basura. Nang maka­lam­pas sa tulay ay nakita ko ang mga estudyante ng isang maritime school, pa­wang nakauniporme na nagkalipumpon sa mga vendor na nagti­tinda ng meryenda — fishball, kikiam, pizza at kung anu-ano pa. Gutom na ako. Naki­halo ako sa mga estud­yante sa pagtusok sa fishball. Apat na fish­ball ang natusok ko. Sinawsaw ko sa ma­tamis-maasim na sauce. Naglalaway na ako habang ginagawa iyon. Nang malasahan ng aking dila ang ma­sarap na sauce at pandalas kong kinain ang fishball. Hindi ko naramdaman ang init.

Tumusok pa ako ng apat. Sawsaw uli. Subo. Nguya. Ubos agad. Isang round pa ang ginawa ko hang­gang sa mapunan ang aking gutom. Humingi ako ng isang basong buko juice at lalo nang naramdaman ko ang walang ka­tulad na kabusugan. Binayaran ko pagka­tapos. Mahigit P20 lang.

Ipinasya kong mag­lakad sa pam­pang ng Pasig River malapit sa Jones Bridge. Nagulat ako nang makitang se­mentado na pala iyon. Marami ring taong nakaistambay. Bakasakaling dito ako makakita ng hihigaan pagsapit ng gabi.

(Itutuloy)

AKING

AKO

CRUZ CHURCH

IPINASYA

JONES BRIDGE

KONG

NANG

PASIG RIVER

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with