^

True Confessions

Ninong (ika-88 na labas)

- Ronnie M. Halos -

HINDI ako makatulog. At pakiramdam ko, napa­ka­bagal lumipas ng mag­damag. Hindi ko mala­man kung paano ang gagawin para ma­ ka­tulog — tuma­gilid, tu­maob, tumihaya at kung anu-ano pang po­sisyon pero walang epek­to. Ipi­nasya kong buma­ngon at muling kinuha ang aking maleta sa ilalim ng kama. Inisip kong pana­ginip lamang ang lahat at hindi totoong nalimas ang aking alahas, relo at ilang pirasong damit sa loob. Hindi totoo na wala na akong madudukot kapag naubos ang kaunting pera na nasa bulsa ko.

Pero nang buksan ko ang maleta, totoo lahat ang nangyari. Wala na nga ang aking alahas. Ang tanging naroon ay lumang med­ yas, lumang brief, lumang t-shirt at iba pang abubot na walang kuwenta at hindi maaaring ibenta. Tanging ang aking suot ang maha­laga kong possession.

Ibinalik ko ang maleta sa ilalim ng kama at pini- lit makatulog. Bukas ng uma­ga ay haharapin ko ang manedyer ng inn para irekl­amo ang pagnana-kaw sa akin.

Pero ako pa ang sinisi ng gagong manedyer. Nag­lagay na raw sila ng baba-la sa bawat kuwarto na hu­wag mag-iiwan ng maha­ha­lagang gamit kaya hindi na raw nila kasalanan kung may nanakaw sa akin.

“Tarantado ka pala e da­ pat kayo ang magpopro­tekta sa customer n’yo. Na­saan ang security n’yo?”

“Hindi namin kasala­ nan kung nanakawan ka.”

“Irereport ko ito sa pulis.”

“Sige magreport ka. Pero bayaran mo muna ang bill mo!”

“Hindi ako magbaba­yad! Paano ako magbaba­yad e nanakaw na nga ang pera ko.”

“Ipapupulis kita Mister kapag hindi ka nagbayad. Subukan mong umalis na hindi nagbabayad at ipa­dadampot kita. Malapit lamang dito ang presinto.”

Gigil na gigil na ako sa gagong manedyer. Gusto ko nang dunggulin ang nguso pero pinigil ko. Ako ang talo kapag nagpadala sa init ng ulo. Kapag pi­napulis niya ako tiyak na malalaman ni Delia ang lahat. Siyempre iimbesti­gahan ako ng mga pulis. Ako ang lalabas na kontra­bida dahil sasabihin ng manedyer na gusto kong takbuhan ang aking bill. Tiyak na kokontakin ng mga pulis ang aking asa-wa at bulgar na ang gina­wa kong kabalbalan.

Kaya para wala nang gulo, binayaran ko na la­mang ang bill —P1,000 lahat. Pikit-mata na. Baha­la na. Nang mabayaran ang bill, meron pang nati­rang limandaang piso. Saan aabot ang P500?

Nakalabas na ako ng inn. Pakiramdam ko, wa­lang laman ang aking ulo habang bitbit ang male­tang walang laman. Nag­lakad ako patungo sa di­reksiyon ng Avenida. Dine­retso ko iyon hanggang sa makarating sa Raon. Ni­lampasan ko ang Raon at naglakad uli hanggang sa masumpungan ang Sta. Cruz Church. May mga upuang semento sa harap ng simba­han na na­yuyungyungan nang malagong punongkahoy. Doon ko ipinasyang maupo. Na­kadama ako nang matin­ding pagod    at gutom. Hanggang sa makaram­dam ako ng antok. Iniunat ko ang ka­tawan sa upuan. Ginawa kong unan ang maleta.

(Itutuloy)

AKING

AKO

BAHA

BUKAS

CRUZ CHURCH

DELIA

PERO

RAON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with