^

True Confessions

Ninong (86)

- Ronnie M. Halos -

KAYA kong lutasin ang problemang ito kaya wala akong la­lapitan para hingian ng tulong. At talagang hindi ko gagawin ang paglapit sa kamag-anak o kakilala dahil sa problemang gina­wa ko. Ayaw kong pagtawanan nila. Ano na lamang ang sasa­bi­hin ng kamag-anak ko sakali at hingan ko ng tulong? Baka tawa­gin akong tanga? Baka sabihin pa na kung kailan ako tu­manda saka naloko     sa babae at kinuwar­tahan. Hindi na baleng magpalimos ako at mag­palabuy-laboy kaysa naman humingi ng tu­long. Ginawa ko ito kaya lutasin kong mag-isa. Pagdusahan ko kung anuman itong tu­mama sa aking kama­lasan.

Bago ako umalis ki­nabukasan ay inins­peksiyon ko ang aking maleta. Nasa loob ng maleta ang ilang piraso kong damit, alahas at ilang papeles, passport at kung anu-ano pa. Isiniksik ko ang mga alahas sa pinaka-bulsa. Baka bukas o maka­lawa ay maisangla ko na ang alahas. Mauu­bos na ang aking pera sa bulsa kaya ka­i­langang makagawa na ng paraan. Isiniksik ko sa ilalim ng kama ang maleta.

Sa araw  na iyon, target kong puntahan ang isang Chinese restaurant sa may Escolta na minsan ay nabanggit ni Diana na madalas daw niyang kainan. Masarap daw ang putahe roon. Bakasakaling naroon ang puta e mati­yem­puhan ko.

Mula sa Recto, bi­naybay ko ang Abeni-da at kumanan sa Soler. Nang marating ko ang Tomas Mapua St. ay tinumbok ko ang pa­tungong Ongpin hang­gang sa makalusot ako sa may Sta. Cruz Church. Pagdating sa Sta. Cruz Church, tumawid ako sa kalsadang patungo sa Escolta. Lakad uli. Hanggang sa makita ko ang Chinese restaurant. Marami ngang ku­makain.

Naghintay ako sa di-kalayuan. Hindi ko hini­hiwalayan ang mga taong pumapasok at lumalabas sa restaurant. Baka makaligtas sa paningin ko si Diana.

Pero inabot ako ng maghapon doon, ni anino ng putang ba­bae ay hindi ko nakita.

Bumalik ako sa aking tinutuluyang inn sa Recto. At gusto kong maghura­men­tado sapagkat ang maleta kong nasa ilalim ng kama ay bukas at limas na ang mga alahas!

(Itutuloy)

ABENI

AKO

ANO

CRUZ CHURCH

ESCOLTA

ISINIKSIK

KONG

SHY

TOMAS MAPUA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with