^

True Confessions

Ninong (ika-54 na labas)

- Ronnie M. Halos -

ANO ba itong naiisip kong masama laban kay Jigo. Sira na nga yata ang ulo ko dahil sa matinding pagka­humaling kay Diana. Naisip ko, ano kaya at patayin ko si Jigo para masarili ko nang tuluyan si Diana. Madali kong maisasagawa iyon dahil nagsosolo lang siya sa kuwarto. Ma­dali kong maisasa­gawa ang plano. Ma­dali ko siyang mata­takpan ng unan sa mukha at siyempre ang lalabas sa aw­top­siya ay bina­ngu­ngot, ha-ha-ha!

Ganoon kasama ang aking naisip maka­raang sabihin ni Jigo na gusto na niyang magbago at gusto na ring humiwalay ng kuwarto. At ang ma­tindi nga ay ang plano na niyang pag-uwi. Baka tatapusin na lamang ang kontrata. Iyon ang ayaw kong mangyari. Hindi siya makakauwi ng buhay!

“Sige Ninong, doon na ako sa bago kong kuwarto.”

Nagulat ako sa pag­papaalam ni Jigo. Bitbit nito ang maleta ng damit.

“Talagang hindi ka na mapipigil?” sabi ko.

“Hindi na Ninong.”

“Baka magbago pa ang isip mo e maaari pa.”

Nagtawa lamang si Jigo.

“Bakit ka nagtawa?” tanong ko.

“Kasi’y parang lu­malabas na pinipigilan mo ako kahit na gusto ko nang magbago. Gusto mo yata ­na ako sa putik…”

Supalpal ako. Wa­langhiyang ito at ako ngayon ang lumalabas na masama. Pero hindi na ako nagsalita pa. Ayaw kong magkaroon kami nang mainitang pag-uusap. Dito sa Saudi ay mahirap ang may makaaway. De­likado.

“Sige Ninong…”

Tumango lamang ako. Lumabas na siya at ganap na akong napag-isa. Baka bukas o sa maka­lawa ay may­roon na akong ba­gong ka­sama sa kuwartong ito.

Nahiga na ako para matulog pero ayaw akong antukin. Nakadilat ang mga mata ko at ang naki­kita ko sa kisame ay si Diana. Nanunukso ang ngiti.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYAW

BAKIT

BITBIT

DITO

JIGO

SHY

SIGE NINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with