Ate Flora (ika-81 na labas)
NABALITAAN ni Ate Flora na nakakuha ng insurance ang taksil na asawa ni Tito Noel. Nakuha niya ang balitang iyon sa isang aplikante na nagkataong kapitbahay pala nina Tito Noel sa Pasong Tirad,
“Mam, di ba ikaw ang katulong sa bahay ng seaman sa Pasong Tirad…”
“Oo. Paano mo ako nakilala?”
“Namumukhaan kita Mam. Kapitbahay mo ako.”
“Hanggang ngayon doon ka pa rin sa
“Opo Mam.”
“Kumusta naman ang bahay na aming tinirahan doon?” tanong ni Ate Flora.
“Naibenta na Mam. Sabi napeke ang pangalan ng seaman kaya naibenta ng asawa.”
“Ano pa ang balita mo sa seaman?” tanong ni Ate na hindi sinasabing pamangkin kami ng seaman na walang iba kundi si Tito Noel.
“Nakuha na raw ang insurance ng seaman. Ang laki raw ng insurance na nakuha ng asawa.”
“Ano pa ang balita sa asawa ng seaman?”
“Sabi e meron nang kinakasama. Yung namang dalawang anak ng seaman ay masama ang kinahantungan. Nasa rehab ang anak na lalaki pero kamakailan ay nagpakamatay daw. Ang babae naman ay kung kani-kanino kumakabit.”
Napatitig daw kay Ate ang aplikanteng kapitbahay namin
“Bakit mo ako tinititigan?”
“Kasi’y bigla kayong nawalang magkapatid sa bahay na iyon.”
“Pinalayas kami.”
“Ah ganoon ba?”
“Mabuti at nakaalis kami roon, kung hindi baka kung ano ang nangyari sa amin doon.”
“Oo nga.”
“Teka, ano ba ang inaaplayan mo rito sa aming agency.”
“Civil Engineer sa Saudi Oger.”
“Sige ako na ang bahala sa papel mo. Sigurado ka nang makakaalis.”
“Salamat ha? Ano nga pala ang name mo Mam?”
“Flora.”
“E yung kapatid mo?”
“Ara.”
“Salamat Flora. Ikuwento mo ako kay Ara.”
Hindi roon natapos ang pagkukuwento ng aming dating kapitbahay sa Pasong Tirad tungkol sa buhay ni Raquel. Bago ito nakaalis patungong
- Latest
- Trending