^

True Confessions

Ate Flora(41)

- Ronnie M. Halos -

“GUSTO mong pala­yasin kita ngayon din Ara?” sabing muli ni Tita Raquel habang katabi ang malditang  si Michelle na parang lasing na yata o na­ka­droga. Parang nag­bu­buhol na kasi ang pa­nanalita kanina.

Hindi ako suma­got.

“Huwag po Tita Ra­quel. Ako na po ang humihingi ng sorry sa ginawa ni Ara. Huwag mo po siyang pala­ yasin,” nag­mama­ ka­awang sabi ni Ate Flora. Kung maaari lamang e lu­muhod na ito sa ha­rap ni Tita Ra­quel.

“Ang tapang-ta­pang nitong kapatid mo e wala namang maika­ kaya. Akala yata kaya niyang ma­mu­hay dito sa Maynila, pwe!”

“Patawarin mo na po siya Tita.”

“Huwag Mommy, big­yan mo ng leksiyon ang malditang ’yan para mag­tanda. Akala yata e uubra siyang maghari-harian dito.”

“Ano ba ang ginawa sa’yo Michelle?”

“E sinagut-sagot ako at gusto akong saktan.”

Gusto kong suma­got sa kasinunga­li­ngang si­ nabi ni Mi­chelle. Hindi naman totoo na gusto ko siyang saktan. Siya nga ang nakaamba na ang kamay sa akin ka­nina para sampalin ako. Pero hindi na ako nag­salita pa dahil tiningnan na ako ni Ate na ang ibig sabihin ay huwag nang sumagot pa. Huwag nang luma­ban. Naalala ko ang si­na­bi ni Ate ka­ni­na na hin­di pa pana­hon para sa paglaban.

“Tarantada ’yan Mom­­my. Ke liit-liit e mata­pang. Sampalin kita diyan, bu­ wisit ka.”

Tiniis ko ang mura.

“Palayasin mo na ’yan, Mommy. ’Yang dala­ wang ’yan pala­yasin mo na dahil istor­bo lang sila sa atin.”

“Paano pag tina­nong ng daddy mo?”

“E di sabihin mong inaaway ako. O kaya sa­bihin mong nagna­na­kaw kaya pinalayas mo!”

Napakawalanghiya talaga ni Michelle. Napa­tangu-tango naman si Tita Raquel sa sinabi ng anak.

“Palayasin mo na Mommy!”

Nakiusap muli si Ate Flora. Umiiyak na.

“Huwag po, Tita!  Hin­di na uulitin ni Ara ang ginawa niya. Hindi na po siya lalaban kay Mi­chelle.

“Mga punyeta ang da­ lawang ito. Sagabal  sa buhay ko. Ito kasing Noel na ito, nananahi­mik kaming tatlo e kung bakit pinapunta rito   ang dala­wang ito. Mga buwi­­sit!”

Hindi ko makaya ang pagmumura ni Tita Ra­quel, Siguro kaya nasabi niyang istorbo kami ni Ate ay dahil sa gina­gawa niyang panla­lalaki. Baka matagal na niyang iniiputan si Tito Noel.

“Ikaw Ara ka ka­pag umulit ka pang laba­nan si Michelle, tala­gang kakalad­ka­rin kita sa labas at palala­ya­sin. Hindi na kita pata­tawarin, pun­yeta ka!”

“Salamat po Tita Raquel.”

Pero si Michelle nang tingnan ko ay naka­ ngi­sing-aso sa akin. Pa­rang may bina­balak si­yang ma­sama sa akin. Para bang ga­gantihan niya ako sa ibang mga araw.

(Itutuloy)

vuukle comment

HUWAG

MICHELLE

SHY

TITA RA

TITA RAQUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with