Ellang (138)
(Kasaysayan ni M.R.A. ng
NALUTO na ang mga putahe. Niyaya kami ni Nanay Encar sa kusina. Pumapasok pa lamang kami sa pinto ay nalanghap na namin ang mabangong kaning dinorado, inihaw na hito at tinolang manok. Nakadama ako ng labis na gutom.
“Hala upo na, Maring, Ellang. Alam kong gutom na gutom na kayo. Malayo ang pinanggalingan n’yo.”
Binatak ko ang silyang narra para kay Inay saka ko hinila ang isa pa.
“Ikaw po, Nanay Encar,” anyaya ko.
“Sige at magju-juice na lamang ako. Kakakain ko lamang ng dumating kayo.”
Habang kumakain ay naitanong ni Inay kay Nanay Encar ang tungkol sa asawa nito.
“A iyan ang ikukuwento ko. Itong bahay na ito ay katas ng kamatayan ni Nando — ang asawa ko.”
“Bakit naman?”
“Seaman si Nando. Naaksidente siya habang ang kanilang tanker ay nagdidiskarga ng langis sa isang port sa
“Talaga palang nag-iisa ka na rito, Encar.”
“Ay oo mandin. Kaya nga kahit dito na kayo tumirang mag-ina ay matutuwa ako nang labis.”
Ikinuwento ni Inay ang buong nangyari sa akin sa
“Mabuti at hindi mo itinuloy ang masamang balak na iyon, Ellang. Kung nagkataon baka masunog ka sa impiyerno…”
Napaiyak ako.
“Dito sa Pambisan ka magsisimulang muli. Tutulungan kita — kayong mag-ina.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending