^

True Confessions

Ellang (68)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

SUBALIT hindi ko na nakita si Nizza. Ang hula    ko, buntis siya at nalaman na ng amo niya ang nangyari sa kanya. Maaaring pinauwi o kaya ay inireport sa motawa  ang nangyari at saka iki­nulong. Kawawa naman kung ganoon ang nangyari. Ang sabi naman ni Nizza noon ay handa niyang harapin ang kasasapitan kung sakali.

Kung nagkausap kami ni Nizza at mala­ mang narito pa si Pol sa Riyadh ay ano kaya ang magi­ging reaksiyon niya. Siguro ay katulad ko rin siyang galit na galit. Baka kung ano ang magawa niya kay Pol lalo pa nga at kung totoong siya ay na­buntis ng walanghiya.

Pero naisip ko rin naman, hindi kaya sinabi lamang sa akin ni Nizza na nasa Pinas na si Pol para matahimik na ako. Hindi kaya may relasyon pa ang dalawa at nagkutsabahan lamang? Hindi kaya wala na si Nizza sa ka­bilang bahay ay dahil sila na ang nagsasama?

Lalo akong nakadama ng galit kay Pol. Nagbalik sa akin ang malaki-laki na ring pera na nahuthot niya sa akin.

Pero ako na rin ang kumontra sa mga naisip kong iyon. Hindi magagawa ni Nizza ang ganoon. Wala naman sa itsura ni Nizza na magsisinu­ngaling o kaya’y gagawa ng masama. Siguro nga’y kaya wala na siya sa kabilang bahay ay dahil nakauwi na o baka nakakulong na.

Mula nang makita ko sa Batha si Pol ay hindi na ako natahimik. Alam kong babalik     uli siya sa Batha. Palalamigin lamang ang lahat at doon uli siya tatambay o kung anu­man ang aktibidad niya.

Naisip kong bumalik muli sa Batha pag­kalipas ng dalawang linggo. Magbabaka­sakali ako na matiyempuhan siya. At kung matitiyempuhan ko siya alam ko na ang gaga­win ko, magki-create ako ng ingay at bahala na kung ano ang mangyari. Tutal naman at para na rin niyang sinira ang buhay ko e di magkasira-sira na. Basta hindi ako titigil hangga’t hindi nakagaganti sa kanya. Kung naga­wa niya akong sirain, makakaya ko rin.

Nagpaalam ako kay Sir na pupunta sa Batha. Mafi muskila raw. Huwag lang akong magtatagal dahil marami nang gustong ipagawa si Madam. Malaki na kasi ang tiyan ni Madam at ilang buwan pa ay baka ma­nganak na. Sabi ko’y mohem lang (important) ang sasadyain ko sa Batha. Kinindatan ako ni Sir. May pagkapilyo na ang ngiti ng amo ko. Sabagay ganoon na siya noon pa sa akin. Mabiro siya. At iyon ay hindi ko binibigyang pansin. Edukadong tao si Sir kaya wala  akong kaba na ang pagkindat niya ay may ibig sabihin. Ngiti lang ang sagot ko sa kanya.

Sa dating lugar na pi­nag­kakitaan ko kay Pol ako tu­mambay. Bakasa­kali lang. Kung makikita ko siya, mag­ka­karoon ng panibagong pangyayari sa buhay ko. Kung hindi ko siya makita, ewan ko kung ano ang mga ga­ga­win ko sa buhay. Bahala na!  (Itutuloy)

vuukle comment

BATHA

KUNG

NIZZA

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with