^

True Confessions

Ellang (59)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh,KSA)

KINALIMUTAN ko ang tungkol sa Indo­nesian maid na si Nizza. Sabi rin naman sa akin ni Pol na huwag ko nang intin­dihin ang maid na iyon. Basta huwag na lang daw akong mag­pakita kay Nizza.

Pagkalipas pa ng apat na araw saka nag­ pakita si Pol. Kumatok siya dakong tanghali.

“Nasaan ang pasa­lubong ko, Pol?”

Bilin ko kasi ay sa­riwang isda na maaari naming isigang.

Napamaang si Pol. Napakamot sa ulo.

“Nalimutan ko sa Jubail, Ellang.”

“Paanong nali­mu­tan?”

“Naipatong ko ang mga isda sa lababo ng ti­nirahan namin sa Jubail e biglang nagya­yang umuwi ang amo ko. Ayun nasa highway na kami patungo rito nang maalala ko…”

“Sayang. Sabik na sabik pa naman ako sa isda.”

“E di dito na lang tayo bumili. Marami namang isda rito.”

“Hindi na sariwa. Gusto ko sariwa.”

“Hayaan mo at pag­balik namin sa Jubail ay hindi ko na kalilimutan ang isda.”

Dahil sabik kami sa isa’t isa, nagtalik kami ni Pol. Walang ipinag­kaiba sa mga ginawa na namin noon pa.

Nang matapos iyon ay humihingi na naman ng pera si Pol.

Binigyan ko ng 100 riyals.

Nagtataka na ako kung bakit pera na lamang yata ang ha­ngad sa akin ni Pol. Parang “ginagata­san” na lamang yata ako.

Nang sumunod na magkita kami at humingi sa akin ng pera ay hindi ko na binigyan.

(Itutuloy)

JUBAIL

NANG

NIZZA

POL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with