Warat na sapatos ni Cinderella (ika-75 na labas)
April 11, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
"TOTOO ba sa iyong loob ang mga sinabi mong iyan o nagbibiro ka lamang, Jomar?"
"Totoo," sagot niya.
Ako naman ang hindi makapaniwala. Ngayong pumapayag na ay ako naman ang natahimik. Matagal bago ako nakapagsalita.
"Payag ka na talaga sa lahat ng plano?"
"Oo. Wala ka na ngang maririnig sa akin. Wala na rin naman akong makikita. Bahala ka na."
"Pero masama ang loob mo?"
Nagtawa. Alam ko, ang tawang iyon ay walang buhay.
"Bahala ka na kung ano man ang isipin mo o ipakahulugan mo at pumayag na ako sa mga balak mo."
Wala na akong sinabi pa. Basta nagkakaintindihan na kami. Wala na siyang tutol sa anupamang gagawin ko. Bahala na raw ako.
Ipinaayos ko ang bahay. Ang dingding na yari sa gapok na tabla ay ipina-hollow block ko. Ang bubong ay pinapalitan ko nang ma-husay na yero. Iyong may pintura na para hindi na kalawangin. Pinatambakan ko ang silong para hindi na pasukin ng tubig kapag bumabaha. Pagkatapos matambakan nang baytang ay ipinasemento ko. Iyon na ang nagsisilbing flooring at pinalagyan ko nang makulay na malalaking tiles. Ipinaayos ko ang mga kuwarto. Mula sa dating dalawang kuwarto ay naging tatlo na. Pinaganda ko rin ang kusina at ang bathroom. Pinahiwalay ko ang toilet.
Nang matapos ang kabuuan ng bahay ay hindi ako makapaniwala sa magandang pagbabago. Hindi na nakahihiya kung darating si Melvin Underwood. Para na rin siyang nasa isang hotel.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am