^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (ika-54 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

NATUTULOG si Ate Pacita ng tanghaling iyon nang biglang "topakin" si Marlon at ipakita ang kanyang "batuta". Naka-droga siya sa palagay ko. Patingin-tingin lamang sa akin sa simula. Iniiwasan kong magkatitigan ka mi ng deretso at baka isipin na may gusto ako. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos sa mga da mit na hinalungkat ng mga customer. Pero kahit na may ginagawa ako, at nakatalikod sa kanya, pinakikiramdaman ko kung ano ang ginagawa ni Marlon. Nasa sulok siya at nakaupo sa silyang kahoy. Para bang lampasan siya kung tumingin — tingin talaga ng nagsa-shabu.

Nang makaalis ang dalawang customer ay saka ko nakitang tumayo si Marlon sa pagkaka upo. Maya-maya ay pumasok sa kuwarto na kinaroroonan ni Ate Pacita. Maya-maya ay lumabas na. Parang tiniyak muna kung natutulog pa nga ang ina niya.

Dahil nakatalikod nga ako, hindi ko napansin ang biglang paglapit sa akin at tinawag ako.

"Cindy!"

Napatingin ako. Shock ako sa nakita. Nakalabas ang malaki at mahabang "batuta" niya, dinidiyakol! Hindi agad ako nakapag salita dahil sa pagkabigla. Makalipas pa ang ilang segundo bako ako napasigaw. "Ate Pacitaaa! Ate Pacitaaa!"

Sapat ang sigaw ko para magising si Ate Pacita.

"Ano ‘yan Cindy?"

Bigla namang itinaas ni Marlon ang kanyang brief at pantalon at itinago ang "batuta". Saka inam bahan ako ng suntok. Huwag daw akong magsusumbong.

Natakot ako. Baka kung ano ang gawin. Ang drug addict ay walang kini kilala lalo kapag nagipit. Baka saksakin na lamang ako.

Naramdaman ko ang pagbangon ni Ate Pacita. Binuksan ang pinto at saka lumakad palapit sa akin. Si Marlon ay nakaupo na sa silyang bangko.

"Ba’t ka sumigaw, Cindy?" tanong ni Ate Pacita na papalabas na sa kuwarto.

Nakaisip naman agad ako ng paraan. Hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit ako sumigaw.

"Kasi po may dumaang malaking daga sa paanan ko..."

"Akala ko’y kung ano na. Sana e ipinahabol mo kay Marlon. Ayan lang naman at nakaupo ang anak ko."

Hindi na ako nagsalita. Nakatingin kasi sa akin si Marlon. Sa tingin niya ay mayroon pa ring pagbabanta. Lagot ako kapag isinumbong siya sa paglalabas niya ng "batuta".

Nang magbalik si Ate Pacita sa kuwarto para kunin ang pera sa bag ay nilapitan ako ni Marlon.

"Masunurin ka pala, Cindy," sabing nakangisi. "Kung hindi mo ako si nunod, tapos ka sa akin."

Lalo akong natakot sa addict na si Marlon.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ATE

ATE PACITA

ATE PACITAAA

CINDY

MARLON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with