^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (ika-52 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

PATULOY si Ate Pacita sa pagkukuwento sa akin. May nakatago palang istorya sa kanila ni Kuya Mario. Kaya siguro ganoon na lamang ang galit sa kanya ni Ate Pacita. May nasa likod pala. Aka-la ko, under de saya lang si Kuya Mario iyon pala ay may nagawang malaking kasalanan. Kung nagkataon pala, panglima ako sa mga tinderang natuhog ng walanghi-yang si Kuya Mario. Kung titingnan pa naman siya ay akala mo’y hindi makabasag ng baso. Iyon pala’y nasa ilalim ang kulo. At may tulo pa. Salamat kay Bekbek at biglang dumating. Anghel de la guwardiya ko sigu-ro si Bekbek. Ga-buhok na lamang at maitatarak na ng walanghiyang si Kuya Mariwino ang "ari" niya sa "ano". At gusto ko rin namang sisihin ang sarili kung bakit umabot sa ganoon ang lahat. Inaamin ko, dahil sa kagipitan ay gusto ko nang _pumayag kay Kuya Mario. Dahil sa ibinigay niya sa aking P1,500 ay gus-to ko nang ibayad ang "hiyas" ko. Salamat sa batang si Bekbek.

Ang hindi naman alam ni Ate Pacita ay binig- yan ako ni Kuya Mario ng pera. Ang alam lang niya ay gusto akong gahasain ni Kuya Mario. Naisip ko, mas mabuti nang huwag kong sabihin kay Ate Pacita ang tungkol doon. Kapag na_laman niya na kaya pala ako gustong "maano" ni Kuya Mario ay dahil sa pera, baka bumaling sa akin ang galit ni Ate Pacita. Magsasawalang-kibo na lamang ako. Pero naisip ko rin naman paano kung hantingin ako ni Kuya Mario at bawiin ang P1,500. Baka ako ang gantihan ng walanghiya.

Iyon ang hiningi ko ng payo kay Ate Pacita.

"Paano kung sa akin magalit si Kuya Mario, Ate. Siguradong ako ang hahantingin niya."

"Bakit ka hahantingin?" may duda sa boses ni Ate Pacita.

"Siyempre po ako ang naging dahilan kaya siya napalayas."

"Hindi lang naman ang tangkang paggahasa sa iyo ang dahilan kaya ko siya pinalayas. Ninanakawan din niya ako. Marami na siyang nanakaw sa akin. Iyong malaki kong pera na nakatago sa bahay at saka dito sa tindahan ay nabisto niya. Kung may P50,000 ay nanakawan na niya ako…"

Shock ako. Kaya pala laging sinasabi sa akin ni Kuya Mario na marami siyang pera. Sabi pa nga e hiwalayan ko na si Jomar at kami ang magsama. Mara-mi raw siyang pera. Hindi naman ako gaanong naniniwala dahil nga ang tingin ko sa kanya ay "Andres".

"Huwag kang matakot kung ang inaalala mo ay hahantingin ka. Kapag nagpunta siya rito sa tindahan ay ipakakatay ko siya sa mga tambay diyan."

"Nasaan na po siya ngayon, Ate?"

"Hindi ko alam. Palabuy-laboy na lang siguro ang hayop."

"Kasal po ba kayo?"

Nagtawa si Ate Pacita.

"Kasal? Live-in lamang kami. Binola-bola lamang ako ng tarantado at bumi-gay naman. E ako nama’y medyo hot din bagong hiwalay sa asawa kaya pinagtiyagaan ko. Iyon pala’y sakit ng ulo ang idudulot sa akin…"

"Hiwalay ka pala sa asawa, Ate…"

"Oo may dalawa akong anak sa unang asawa ko. Lalaki at babae."

"Nasaan sila, Ate?"

"Nasa nanay ko."

"Bakit hindi nakatira sa iyo?"

"Maganda ang anak kong babae delikado sa maniac na si Mario. Sabi ko sa nanay ko sa kanya na lang muna."

"E ang anak mong lalaki?"

"Iyan ang problema ko. Sabi ng nanay ko, nababarkada at natututong mag-shabu."

"Nag-aaral siya Ate?"

"Oo. Nasa first year college."

"E di maaari mo na silang kunin ngayon Ate dahil wala na ang manayakis na si Kuya Mario?"

"Oo. Pupuntahan ko nga sila bukas at sa bahay ko na patitirahin. Kaya huwag ka na munang pumunta rito bukas at susunduin ko muna ang dalawa kong anak ha?"

"Opo Ate."

Nakuha ni Ate Pacita ang dalawang anak. At napansin ko na mula nang magkasama silang mag-iina ay lagi nang ma- saya si Ate Pacita. Nawala ang kasungitan.

Minsan ay nagpunta sa damitan ang anak na lalaki ni Ate Pacita. Gu_wapo. Matangkad. Pe°ro halatang nagdudurog.

"Ikaw si Cindy?" tanong sa akin.

Tumango ako.

"Maganda ka pala."

Napangiti ako. Nga-yon pa lang kami nagkita ay bolero na.

(Itutuloy)

AKO

ATE

ATE PACITA

KUYA

KUYA MARIO

MARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with