^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella(51)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni CIndy ng Pasay City)

BANTULOT ako kung lalapit o hindi kay Ate Pacita. Tiyak na alam na niya ang lahat at ngayon siya gaganti sa akin. Pero hindi naman galit ang mukha niya. Para pa ngang maamong tupa.

"Halika, Cindy," sabi pa ni Ate Pacita. Lumapit na ako. Kung galit sa akin si Ate Pacita, baka kanina pa ako kinatkatan ng mura at binato ng anumang mahawakan.

"Maupo ka, Cindy," sabi at inayos naman niya ang posisyon sa pagkakahiga sa matigas na papag.

Naupo ako sa silyang plastic sa harapan niya. Lumangitngit ang plastic.

"Alam ko ang ginawa sa’yo ng hayop na si Mario. Sabi ko na nga ba at aahasin ka rin ng hayop. Kaya ayun, pinalayas ko na."

Hindi ako makapagsalita. Nananaginip ba ako? Hindi! Kaharap ko si Ate Pacita na bahagyang iniunat ang mga masasakit na paa.

"Nakita pala ni Bekbek ang ginagawa sa’yo ni Mario. Hayop talaga. Alam mo bang apat na tindera ko na ang ginahasa ng hayop na iyon..."

Nagtataka pa rin ako. Ang buong akala ni Bekbek ay ginagahasa ako ni Kuya Mario kaya naroon ako sa loob ng kuwarto.

"May nangyari ba sa inyo, Cindy?" ta-nong ni Ate Pacita na parang nag-aalala.

"Muntik na po, Ate mabuti na nga lang at dumating si Bekbek. Utang ko po kay Bekbek kung bakit hindi ako nagalaw ni Kuya Mario. Naibaba na po niya ang brief niya at naaalis na niya ang panty ko."

"Masuwerte ka at hindi nagahasa. Yung apat na tindera ko, nabuntis ang dalawa at ang dalawa ay hinawahan ng "tulo". Nagmakaawa lamang ang walanghiya sa akin kaya hindi ko pinalayas noon. Pati ako hinawahan din ng tulo ng hayop na iyon. Kaya ayaw ko nang magpagalaw sa kanya…"

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

ATE PACITA

BEKBEK

CINDY

KUYA MARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with