Warat na sapatos ni Cinderella (ika-49 na labas)
March 14, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
KINABUKASAN ay bumalik ako sa tindahan. Bahala na kung ano ang mangyari. Kung naroon na si Ate Pacita, sasabihin ko na pinupuwersa ako ni Kuya Mario. Tiyak kasing magsusumbong si Bekbek kay Ate Pacita at baka ako ang isiping lumalandi. Uunahan ko na siya. Pero paano naman kung si Kuya Mario muli ang nasa tindahan at maulit ang panghihipo at ang muntik nang pag-"ano" niya sa akin kahapon. Malalim ang hinugot kong buntunghininga. Sinundan pa.
Kung hindi dumating si Bekbek kahapon, baka na tuhog na ako ni Kuya Mario. Nalasahan na ang pagkababae ko. Buti ba naman sana kung guwapo si Kuya Mario. Bukod sa pangit e may bad breath pa. Kung hindi nga lang, kailangan ko ng pera para pambili ng gamot ni Jomar at gatas ni Cholo e hindi ako magpapahipo sa hayop na si Kuya Mario. Yung ibinigay sa aking P1,500 ay gustong sulitin at sagad-sagarin.
Mabilis akong naglakad patungo sa tindahan ng damit. Nasa loob iyon ng palengke. Matagal nang may tindahan si Ate Pacita at marami na ring naging tindera. Siguro, hindi lamang ako ang tindera roon na "kinursunada" ni Kuya Mario, baka kaya madaling umalis ang tindera ay kung anu-ano ring kabastusan ang ginagawa. Baka talagang doon niya pinupuwersa sa loob ng kuwarto. Baka doon pinatutuwad at kung anu-ano pang posisyon.
Nagulat ako nang makarating sa tindahan. Sarado! Baka masama na ang lagay ni Ate Pacita. Baka nasa ospital at binabantayan ni Kuya Mario. Ipinasya kong umuwi.
Takang-taka si Jomar nang makitang maaga ako. Karga niya si Cholo.
"Ba’t ang aga mo?"
"Sarado ang tindahan."
"Bakit?"
"Maysakit ang may-ari."
"E puwede ka namang magtinda kahit maysakit siya."
"Delikado dahil manyakis ang asawang lalaki. E kung patuwarin ako habang nagtitinda…"
Hindi tumawa si Jomar sa biro ko  birong nagkatotoo na nga. Pagkuwa’y nagsalita si Jomar.
"Siyanga pala, nagpunta rito ang may-ari ng bahay, dalawang buwan na tayong atrasado sa bayad."
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko wala pang pera."
"Sana sinabi mong awasin na lang sa dineposit mo."
"Gusto kong sabihin iyon pero saan naman tayo lilipat pag naubos na ang deposit. Itatapon tayo sa kalsada."
Nag-isip ako. Eto na naman ang pagsulpot ng problema. Hindi pa natatapos ang maraming problema e may kasunod na naman. Saan nga kami lilipat ng bahay? Pero bago nga pala isipin kung saan lilipat ng bahay ay dapat isipin muna kung saan ako kakamot ng pera.
Naisip ko si Kuya Mario. Kung walang-wala na, puwede nang pagtiyagaan. Maaari ko namang laruin. Pero hangga’t maaari hindi muna ako "paaangkin" sa kanya. Bibitin-bitinin ko muna siya. Sa dakong huli, naisip ko na naman si Melvin Underwood. Bakit kaya hindi na sumulat ang Kanong iyon? Nakalimutan na kaya ako ni Kanuto?
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am