^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (ika-48 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

SALAMAT! Iyon ang naibulong ko habang nakaupo sa pagitan ng mga bulto ng damit. Pinakiramdaman ko ang mga mangyayari. Sino kaya ang Bekbek na iyon na akala mo ay nagmamadali sa pagtawag kay kuya Mario. Palagay ko bata siya.

Mula sa labas ay naririnig ko ang usapan ng dalawa. Wala akong masilipang butas sa pinto para makita ang hitsura ni Bekbek. Sinubukan kong silipin sa bingit ng pinto.

Bata pa nga si Bek-bek, mga 14-anyos lamang marahil. Lalaki si Bekbek.

"Kuya Mario, ipinatatawag ka ni Ate Pacita!"

"Bakit daw?"

"Magpapahatid sa inyo sa ospital dahil sobra na raw ang nararamdaman niyang sakit ng mga paa. Hindi na raw siya makalakad."

"Putsa naman!"

"Magmadali ka raw po Kuya at hirap na hirap siya."

"Langyang buhay ‘to!"

"Iwanan n’yo na lamang daw si Cindy dito para walang manakaw na mga damit."

"Tang-ina talaga, oo."

"E Kuya Mario nasaan si Cindy?"

"Ha e wala. Hindi dumating. Kaya nga sinara ko ang tindahan. Buwisit naman talaga si Balyena…"

"Sino pong balyena, Kuya?"

"Ha a e si Cindy."

"A. Hintayin ko na raw ikaw Kuya. Magmadali ka raw at baka hindi mo na siya abutan…."

Lalong naging mabagal sa pagkilos si Kuya Mario.

"Mabuti ngang matigok na ang balyena!"

Nakita kong biglang bumalik sa kuwarto si Kuya Mario. Tinawag ako.

"Cindy, aalis lang ako sandali pero babalik ako. Hintayin mo ako rito ha?"

Alam ko na ang binabalak niya. Kapag nadala na niya sa ospital si balyena ay babalik siya sa tindahan at saka itutuloy ang "pagsasamantala" sa akin.

Bigla kong naisip na lakasan ang pagsasalita para marinig ni Bekbek.

"Sige hihintayin kita rito Kuya," sabi kong malakas.

"Putang-ina ka Cindy huwag mong ilakas ang boses mo at nandiyan ang pamangkin ni Balyena."

"Ano Kuya?" Tanong kong malakas.

"Putsa ka talaga Cindy."

Saka ay biglang sumi- lip sa kuwarto si Bekbek. Nakita ako habang nakayup yop sa bulto ng mga damit.

"Kuya Mario, siya ba Cindy?"

"Ha, a e…"

"Ako nga Bekbek."

"Bakit sabi ni Kuya Mario, wala ka?"

Nakita ko na putlang-putla si Kuya Mario. Mabubuking na ang lahat kapag sinagot ko si Bekbek.

Lumapit sa akin si Kuya Mario.

"Huwag kang sasagot, Cindy," halos makiusap si Kuya Mario.

"Ano Kuya Mario, tayo na at baka mamatay si Ate Pacita sa sakit ng paa."

"Hayaan mo ang balyena."

"Ano po?"

"Tayo na nga. Putang-ina!"

"Paano ako Kuya Mario?" tanong ko.

"Bukas na lang."

"Bukas na lang natin ituloy ang pag-aano?"

Nakita kong nag-iisip si Bekbek. Hindi naman maipinta ang mukha ni Kuya Mario.

Nakikita ko ang mangyayari kapag gumaling ang mga paa ni Ate Pacita. Tapos ang maliligayang araw ni Kuya Mario at pati na siguro ako. Balak kong huwag nang magbalik sa trabaho rito. Kaya lamang ay saan naman ako pupunta. Magugutom si Jomar at ang anak ko.

(Itutuloy)

AKO

BEKBEK

CINDY

KUYA

KUYA MARIO

MARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with