^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (45)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

NAIDASAL ko na sana ay dumating si Ate Pacita para hindi matuloy ang balak ni Kuya Mario sa akin. Sa tantiya ko, talagang umaasam na siya na may mangyayari na sa amin. At siguro rin ay para masulit ang perang ibinigay niya sa akin. One thousand five hundred na ang naibibigay niya sa akin kaya siguro atat na atat na.

Hindi ako mapakali habang hinihintay ang pagtawag niya. Isinasara na niya ang tindahan. Sana ay dumating si Ate Pacita para hindi matuloy ang balak ng ma-"L" na si Kuya Mario. Gigil na gigil na ito sa akin kaya hindi papayag na walang mangyari sa amin ngayon. Talagang gagawin ang lahat.

Napansin ko na mabilis na naisara ang tindahan. Nag-aalala naman ako na baka mapansin ng tindera ng katabi naming tindahan ang pagsasara niya.

"Cindy!" tawag ni Kuya Mario. "‘Lika na rito sa kuwarto."

Umusal pa ako ng dasal na sana ay may mangyari para hindi matuloy ang paniningil.

"Cindy, ano ba?"

"Nandiyan na, Kuya."

Kumilos ako para "makipaglaro" muli kay Kuya Mario pero hindi ko basta ibibigay ang "hiyas" ko sa kanya. Hangga’t makaiiwas ako, gagawin ko.

"Ang bagal mo naman. Dali ka na at baka dumating si balyena," sabi niya. Nakahiga si Kuya Mario sa folding bed.

"Ang ganda mo talaga Cindy. Para kang dalaga pa," lumunok pa ng laway si Kuya Mario. Takam na takam.

"Hubarin mo nga ang pants mo, Cindy. Kahit ang pants na lang. Gusto ko makita muna ang mga hita mo..."

Nangangatog yata ako. Iba ang trippings ng taong ito. Ano ang gagawin ko?

"Bilis na Cindy. Kapag nahubad mo ‘yan bigyan pa kita ng P500. Nakupitan ko kagabi si balyena, e," sabi at nagtawa.

Nagahaman na naman ako. Naisip ko, paglaruan muli si Kuya Mario. Magkukunwa akong gusto siya.

"Hubarin mo na, Cindy. Panonoorin lang kita."

"Panood lang Kuya?"

"Oo. Sige na."

Ibinaba ko ang siper ng pants ko. Dahan-dahan. Tinatakaw ko si Kuya Mario.

"Sige pa, Cindy."

Naibaba ko ang siper. Umakma akong ibababa na ang pants. Medyo ibinitin ko. Nakanganga si Kuya Mario. Hinihintay na batakin ko na pababa ang pants. Lalong lumuwa ang kanyang mga mata nang malantad ang bikini panty ko.

"Sige naaah! Ibaba mo naaaah!"

Atat na atat na ang walanghiya!

(Itutuloy)

vuukle comment

ATE PACITA

CINDY

KUYA

KUYA MARIO

MARIO

SIGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with