^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (ika-10 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

MULA nga noon ay sa bahay na namin kami nakatira ni Jomar. Mahal talaga ako ni Jomar sapagkat kahit alam niyang mayroon akong balak na makapag-asawa ng Kano e hindi ako iniiwan. Siguro ay dahil na rin sa wala pa rin siyang gulugod. Iyon ang napansin ko kay Jomar, kung ano ang sabi-hin o iutos, tango lamang nang tango. Pero sa pakikipag-sex ay matindi na-man. Hindi aakalaing walang gulugod.

Pilit din naming natapos ang high school. Apat na buwan na lang kasi ang natitira at gradua-tion na. Hindi pa na-man nahalata ang tiyan ko sa suot na toga. At least, nakatapos, kahit high school.

"Hindi na ako kayang pag-aralin ni Na-nay sa college, walang-wala e," sabi ko kay Jomar habang magkatabi kami sa spring bed. Lumangitngit ang bed kapag kumikilos kami. Dati ay kasama ko si Patsy sa maliit na kuwartong iyon pero mula nang magsama kami ni Jomar ay sa kuwarto na siya ni Nanay natutulog.

"Ako man, wala ring pera sina Inay."

"E kung pag-aaralin ka anong gusto mong course?"

"Hindi ko alam Cindy."

"Kahit ano wala kang alam?"

"Wala e."

Talagang walang pangarap ang lalaking sinamahan ko. Mabuti pa ako at nangangarap na makarating ng Tate.

"Sexology yata ang gusto mo e."

"Ano ‘yon?"

Pati iyon hindi niya alam. Ano ba itong nasamahan kong lalaki? Guwapo nga pero mahina ang tekuko.

"Sex!"

"Sobra ka naman, Cindy."

"E wala kang alam sabi mo e. Kaya siguro, sex ang gusto mo."

"Sexology. Oo nga siguro iyon ang gusto ko."

"Nagpapatawa ka, Jomar?"

Tumawa naman ang ungas. Nakakaloko talaga.

Maya-maya, nilikot ang boobs ko. Dumako sa may puwitan. Pinisil-pisil.

"Kaaano mo lang kagabi, ano ka na naman?"

"E ang ganda mo kasi eh."

"Talagang sexology nga ang gusto mo."

"Oo nga sexology nga ang gusto ko."

Kinapa ko ang "ano" niya. Tama nga. Nakahanda nga ang pang-sexology niya. Nakasaludo na.

Binatak ni Jomar ang panty ko. Talagang mahilig ang lalaking ito.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

APAT

BINATAK

CINDY

JOMAR

OO

PASAY CITY

TALAGANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with