Sadik (2)
October 28, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)
WALA naman akong alam na nagawang kasalanan. Hindi ko maintindihan ang Saudi police kung bakit ako itinulak pabalik sa pila. Hindi ako makakilos sa kinatayuan dahil sa marahas na pagkatulak, kung medyo mahina ako, baka nalugmok ako dahil sa lakas ng tulak.
Paglingon ko sa pulis na tumulak sa akin ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko. Marami kasamang babae ang pulis. Pawang mga nakadamit ng itim na tinatawag na abaya. Siguroy mga 10 babae iyon na may nakita akong tila isang Pinay at ang iba ay hindi ko na alam kung ano ang nationality.
Kaya pala ako itinulak ay ang mga babaing ito ang kanyang pasisingitin. Ganito pala rito. Sa Pilipinas ay hindi ganito. Pantay-pantay ang lahat. Puwera lang ang matatanda.
Siguroy mga kalahating oras bago natapos sa Immigration counter ang mga babaing naka-itim.
Hinintay kong makaalis sa Immigration counter ang pinakahuling babae saka ako humakbang. Patuloy naman akong nakikiramdam sa pulis na tumulak sa akin. Baka magkaroon na naman ng aberiya at sigawan na naman ako. Salamat at wala nang nangyari. Nakatapos ako sa Immigration. Pagdating sa Customs ay katakut-takot na inspections sa aking bagahe ang ginawa. Ang nag-inspeksiyon ay isang Saudi na nakauniporme ng asul. Balbas sarado. Matalim ang mga mata kung ititig. Inilabas nitong lahat ang aking damit. May mga nalaglag pa dahil sa pabigla-biglang paghugot sa malaking bag. Mga brief ko ang nalaglag sa sahig.
"Yallah! Yallah!" sabi ng Saudi.
Isa-isa kong ibinalik ang mga damit. Pinagpawisan ako gayong malamig ang aircon sa King Khalid Inter- national Airport.
Nakahinga ako nang maluwag habang naglalakad patungo sa labas na pinaghihintayan ng mga susundo.
Gusto ko nang sumuko sa pagkakataong iyon. Sa naranasan ko sa Immigration at sa Customs parang gusto ko nang umuwi sa Pilipinas. Paano kung ang aking amo ay mabangis din? Paano kung mabagsik din?
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended