^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-22 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

HINDI ko na ipinagsama si Nick sa club. Hindi naman talaga ako iinom kundi para makilala nang lubusan si Wilda. Sa palagay ko malaki ang maitutulong sa akin ni Wilda sa nararanasan kong erectile dysfunction. Baka siya ang makapagpasigla sa lulugu-lugong si "Sir Peter".

Paglabas ng opisina ay deretso na ako roon. Mas mabuti nang maaga para ako ang makauna sa pagkuha kay Wilda. Tiyak ko rin na maraming may gustong kumuha kay Wilda dahil sa ipinakita nitong kabangisan kagabi.

Kagabi matapos naming mag-inuman ni Nick ay nalaman ko kung paano makakapiling ang sinumang "model" na magugustuhan. Nasa isang malaking kuwarto ang mga modelo at doon sila pipiliin ng mga customer. Para silang nasa isang malaking aquarium at ituturo lamang ng customer ang gustong modelo.

Ganoon nga ang ginawa ko. Agad akong nagtungo sa viewing place at hinanap si Wilda. Nakita ko agad. Tinandaan ko ang number niya – 23. Isang waiter-receptionist ang lumapit sa akin.

"May napili ka Sir?

"Oo. Number 23."

"Sa VIP mo ba gusto Sir?"

"Oo."

"Sumunod ka sa akin Sir."

Sumunod ako sa receptionist. Nilampasan namin ang maraming kustomer na pawang sa entablado nakatingin. May nagaganap na play sa entablado.

"Dito Sir."

Pumasok kami sa VIP room. Maluwang pala. Mabango. May sariling TV, sopa at table.

"Susunod na rito si 23. Ano nga palang order mo Sir?"

"Beer at chicken wings with chili."

"Okey Sir."

Lumabas na ang receptionist. Maya-maya, ay may kumatok. Binuksan ko. Si 23 na binansagan kong si Wilda.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BATAY

DITO SIR.

OKEY SIR.

OO

SIR

SIR PETER

SUMUNOD

WILDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with